Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Anyare na sa Love The Philippines campaign?

Nakatanggap ng reader’s request ang VERA Files para alamin kung ano ang prosesong pinagdadaanan bago lumabas ang mga logo at slogan. Panoorin ang aming #VERAfied fact sheet.

By VERA Files

Aug 21, 2023

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa loob ng isang buwan bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 24, tatlong ahensya ng gobyerno ang naglabas ng bagong logo bilang bahagi ng rebranding ng administrasyon.

Mula sa “Love the Philippines” ng Department of Tourism, P3-milyong logo ng PAGCOR, hanggang sa “Bagong Pilipinas” slogan, inulan ng batikos at tanong mula sa publiko ang pagbabagong-anyo: Una, sa kalidad ng mga proyektong ito. Pangalawa, ang pagbibigay prayoridad sa mga ito habang naghihirap ang maraming Filipino.

Nakatanggap ng reader’s request ang VERA Files Fact Check para alamin kung ano ang prosesong pinagdadaanan bago lumabas ang mga logo at slogan. Mahalaga nga ba na unahin ito sa prayoridad ng gobyerno?

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.