Ipinagpatuloy ng Kongreso noong Nob. 22 ang impeachment hearing nito sa reklamo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Maski na suporta lamang ng 98 o isang-katlo ng lahat ng mga miyembro ng Kongreso ay sapat upang ipadala ang reklamo sa Senado para sa isang paglilitis, ang impeachment ay higit pa sa isang bilangan ng boto.
Sa kanyang pinatotohanang sagot, tinawag ni Sereno ang impeachment na isang act of “political justice,” na sinabi niyang “hindi nangangahulugang ito ay isang ganap na pampulitikang proseso.”
“Sa pagbibigay ng hustisya o para matiyak na naibigay ang katarungan, mahalagang kumilos nang naaayon sa batas at ang mga katotohanan,” sabi ng kanyang sagot.
Ang mga kaso ng impeachment ng dalawang dating punong mahistrado ay makatutulong sa pagbibigay ng liwanag kung ano ang ibig sabihin nito.
Ang mga kaso ng impeachment ni Davide
Noong 2003, dalawang reklamo ng impeachment ang isinampa laban kay dating Chief Justice Hilario Davide Jr. Ang una ay ibinasura dahil insufficient in substance; ang pangalawa, na isinampa makaraan ang limang buwan, ay nakatanggap ng sapat na bilang ng mga pirma mula sa Kongreso.
Gayunpaman, dahil ipinagbabawal ng Konstitusyon ang pagsisimula ng mga kaso ng impeachment laban sa parehong opisyal nang higit sa isang beses sa isang taon, itinigil ng Korte Suprema ang mga proseso.
Maaaring ang Kongreso ang tanging may kapangyarihan na simulan at maglitis ng mga kaso ng impeachment, ngunit sinabi ng Korte Suprema na ginagamit nito ang kapangyarihan ng judicial review, na inilarawan bilang:
“Ang tungkulin ng mga korte ng hustisya na ayusin ang mga aktwal na kontrobersya na may kinalaman sa mga karapatan na legal na kinakailangan at maipapatupad, at matukoy kung mayroon o walang labis na pang-aabuso ng kapangyarihan na nangangahulugan ng kulang o labis sa hurisdiksyon sa bahagi ng anumang sangay o paraan ng pamahalaan.”
Pinagmulan: G.R. No. 160261 Francisco, E. et. al. vs. The House of Representatives
Ang impeachment, paglilitis at pagsibak sa puwesto ni Corona
Disyembre 2011, inimpeach ng House of Representatives si dating Chief Justice Renato Corona, at ipinasa ang reklamo sa Senado. Nagsimula ang paglilitis noong Enero 2012.
Ilang mga petisyon ang isinampa sa Korte Suprema para pigilan ang paglilitis sa mga dahilang kakulangan ng angkop na proseso at di-wastong pagpapatotoo ng reklamong impeachment.
Napatunayang nagkasala si Corona noong Mayo bago makapag-isyu ang Korte Suprema ng desisyon; nagawa ito, noong Hulyo, pinawalang-halaga ang mga petisyon dahil sa hindi na kailangan.
Gayunpaman, pinagsabihan ni Senador Juan Ponce Enrile, ang namuno sa paglilitis, ang taga-usig dahil sa kaduda-dudang basehan ng katotohanan, at sa kanyang tinatawag na “maluwag at madaliang pag-gawa at paghahanda” ng reklamong impeachment.
Sinabi niya:
“Tila ang kaso ay nabuo lamang matapos ang mga reklamo ay aktwal na isinampa. Ang paulit-ulit na pagpapaandar sa mga sapilitang proseso ng Korte upang makakuha ng katibayan na pangkaraniwang dapat na nabuo ang tunay na batayan ng mga reklamo sa umpisa pa lang ay lalong nagpabigat pa at, minsan, inuubos ang pasensya ng Korte na ito. “
Pinagmulan: Record of the Senate Sitting as an Impeachment Court, Mayo 29, 2012
Sa bandang huli, naghatol siya ng guilty, ngunit binanggit niya ng mahaba ang testimonya at pag-amin ni Corona mismo sa panahon ng paglilitis, na kanyang sinabi na “sa huli ay pinagtibay ng depensa bilang direktang patotoo” ng dating chief justice.
Mga pinakunan:
Verified Answer of Chief Justice Maria Lourdes to the Impeachment Complaint filed by Lorenzo Gadon
Supreme Court, G.R. No. 160261 Francisco v House of Representatives
Supreme Court, G.R. No. 200242 Corona v Senate of the Philippines
Senate of the Philippines, Record of the Senate Sitting as an Impeachment Court