Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Mga update sa paunang pagsusuri ng ICC sa giyera laban sa droga ni Duterte

Sinabi ng International Criminal Court (ICC) na inaasahan nitong magpasya "sa unang anim na buwan ng taong 2021" kung itutuloy ang pagsisiyasat sa mga hinihinalang krimen laban sa sangkatauhan na ginawa sa giyera kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

By VERA Files

Dec 15, 2020

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ng International Criminal Court (ICC) na inaasahan nitong magpasya “sa unang anim na buwan ng taong 2021” kung itutuloy ang pagsisiyasat sa mga hinihinalang krimen laban sa sangkatauhan na ginawa sa giyera kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 2020 report tungkol sa preliminary examination activities nito na inilabas noong Dis. 14, sinabi ng Office of the Prosecutor (OTP), na pinangunahan ni Fatou Bensouda, ng ICC na nakabase sa The Netherlands, na “inaasahan” nito na maabot ang isang desisyon sa unang anim na buwan ng 2021.

Inilunsad ng OTP ang paunang pagsusuri sa mga krimen laban sa sangkatauhan na naganap sa ilalim ng nakamamatay na giyera kontra droga ng administrasyong Duterte noong Pebrero 2018 matapos makatanggap ng maraming mga komunikasyon at ulat.

Ang pinakahuling bilang ng gobyerno na patay na nauugnay sa droga mula sa mga operasyon laban sa droga ay umabot sa 5,942 mula noong Hulyo 1, 2016 hanggang Okt. 31, 2020. Gayunpaman, ang tantiya ng mga human rights group na aktwal na bilang ay maaaring tatlong beses pa nito ang tunay na bilang.

Ang paunang pagtatanong ay nakatuon sa mga paratang na si Duterte at mga senior na kasapi ng mga ahensya ng nagpapatupad ng batas at iba pang mga tanggapan ng gobyerno ay “aktibong isinulong at hinihimok ang pagpatay sa mga pinaghihinalaan o sinasabing gumagamit ng droga at / o mga dealer.”

Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman mula sa 2020 update ng ICC:

1. Ang OTP ay ‘kuntento’ mayroong ‘makatwirang batayan para maniwala’ na nagawa ang mga krimen laban sa sangkatauhan sa giyera sa droga

Sa 2020 na ulat nito, tinukoy ng tanggapan ni Bensouda ang mga partikular na krimen laban sa sangkatauhan na “pinaniniwalaan” nitong nagawa sa bansa mula Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 16, 2019: pagpatay, torture, at infliction of serious physical injury at mental harm bilang ibang “hindi makataong pagkilos.”

Tinukoy ng Art. 7 ng Rome Statute, ang kasunduan na lumikha sa ICC, ang mga krimen laban sa sangkatauhan bilang alinman sa partikular na mga pagkilos “kapag ginawa bilang bahagi ng isang malawak na sistematikong atake na direkta laban sa anumang populasyon ng sibilyan, na may kaalaman sa pag-atake.”

Tinukoy ng ulat ang libu-libong pinatay ng pulis sa mga operasyon laban sa droga na itinuring ng mga opisyal ng Pilipinas na resulta ng “pagtatanggol sa sarili” — isang salaysay na “kinuwestiyon” ng “iba pa” na nagsabing ang “paggamit ng nakamamatay na puwersa ay hindi kinakailangan at hindi katimbang (ng pagkakasala) sa mga pangyayari.”

Binanggit din nito ang mga paratang na ang ilang mga indibidwal ay “napailalim sa hindi makataong pagtrato at pang-aabuso bago pinatay ng mga tauhan ng estado at iba pang hindi kilalang mga salarin” at sa maraming mga insidente, ang mga kamag-anak ng mga biktima ay “nakasaksi sa mga pagpatay, at dahil doon nagtamo ng dumanas ng matinding pagdurusa sa pag-iisip,” bukod sa iba pa.

Sinabi ng abogadong si Romel Bagares, isang propesor ng international law, na ito ang “unang pagkakataon” na kinilala ni Bensouda ang mga internasyunal na krimen na sinasabing isinagawa at sa konteksto ng giyera laban sa droga. (Tingnan ang ICC finds ‘reasonable basis’ for crimes vs humanity in Duterte’s drug war)

2. Ang tanggapan ni Bensouda ay patuloy na ‘matamang sinusubaybayan’ ang mga pangyayari habang pinag-aaralan nito ang ‘pagiging katanggap-tanggap’ ng mga potensyal na kaso

Noong nakaraang taon, sinabi ng OTP na hangad nitong “tapusin” ang pagtanggap ng mga potensyal na kaso. Nangangahulugan ito na kailangang patunayan na ang mga kaso ay kumporme sa mga prinsipyo ng complementarity at gravity, alinsunod sa Art. 17 ng Rome Statute. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: ICC’s preliminary examination update on the drug war, explained)

Sa 2020 report, sinabi ng tanggapan na “natapos na nito ang subject-matter analysis“ at nakolekta at nasuri ang “open source information tungkol sa anumang pambansang paglilitis” na isinasagawa ng mga awtoridad ng Pilipinas. Sinabi nito na “nakolekta at pinag-aralan din nito ang impormasyong nauugnay sa gravity.”

Dagdag dito, sinabi ng OTP na “sinusundan nito nang may pag-alala” ang mga ulat ng mga banta, pagpatay at iba pang mga hakbang na tila na ginawa laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, mamamahayag at iba pa, kasama na ang mga kritikal sa kampanya laban sa droga.

Sa pagsipi ng “open source information,” binanggit ng tanggapan ni Bensouda ang isang “limitadong bilang ng mga pagsisiyasat at pag-uusig” na pinasimulan sa pambansang antas laban sa “mga direktang perpetrator” ng mga krimen na nauugnay sa giyera laban sa droga.

Gayunpaman, sinabi nito ang paglikha ng isang inter-agency panel na naatasang “muling imbestigahan ang namatay” sa mga operasyon laban sa droga ng pulisya na inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Hunyo 2020. Sinabi ng ulat na ang OTP ay “magpapatuloy na masusing susubaybayan ang mga development na nauugnay dito.” (Tingnan ang HR groups question credibility of PH review panel for ‘war on drugs’ killings)

Sinabi din ng tanggapan ni Bensouda na “mula sa sobrang pag-iingat,” tiningnan nito ang “mga pambansang development na tila nahuhulog sa labas ng teknikal na saklaw ng mga katagang ‘national criminal investigation’.” Kasama rito ang pagdinig ng komite ng Senado tungkol sa umano’y extrajudicial killings, mga kasong administratiba laban sa mga nagpapatupad ng batas na sinasabing sangkot sa drug war-killings, writ of amparo cases, at mga kasong dinala sa Office of the Ombudsman.

3. Napagtibay ng 2020 report ang hurisdiksyon ng ICC sa giyera kontra droga ni Duterte

Inulit ng OTP na ang Korte ay “nanatiling may hurisdiksyon” sa mga hinihinalang krimen na naganap sa teritoryo ng Pilipinas mula nang maging ka-partido ang bansa sa Rome Statute noong Nobyembre 2011, hanggang sa petsa ng atras nito mula sa kasunduan noong Marso 2019. (Tingnan ang PH gov’t inaction on 5,000 deaths related to drug war bolsters case vs Duterte in ICC, lawyer says)

Sinabi pa ng tanggapan na ang pagpapatupad ng hurisdiksyon ng korte — kasama ang pagsisiyasat at pag-uusig ng mga krimen na nagawa sa loob ng nabanggit na panahon — ay “hindi napapailalim sa anumang limitasyon sa oras.”

Ano ang maaaring sumunod na mangyari?

Kung ang tagausig ng ICC ay makahanap ng “sapat na katibayan” laban sa isang indibidwal sa paunang pagsusuri nito, maaari itong humingi ng “pahintulot” mula sa Pre-Trial Chamber ng korte upang magpatuloy sa isang pagsisiyasat. Sa yugtong ito, maaaring mag-isyu ng summons o isang warrant of arrest laban sa akusado upang humarap sa korte para sa pagsisiyasat.

Ang summons ay ini-isyu sa mga pumapayag na “makipagtulungan at kusang humarap sa husgado,” habang ang warrant of arrest (na ipatutupad ng mga signatory ng Rome Statute) ay para sa mga pagkakataong may dahilan na maniwala na ang mga pinaghihinalaan ay:

  • tatangging humarap nang kusa sa korte;
  • magdadala ng panganib sa paglilitis o pagsisiyasat; o,
  • magpapatuloy sa paggawa ng mga krimen kung hindi aarestuhin.

Aalamin ng Pre-Trial Chamber kung mayroong sapat na katibayan upang “magtatag ng matibay na batayan” sa kaso upang magpatuloy sa aktwal na paglilitis. Kung hindi man, pipiliin nito na “magpasya na isara ang kaso o humingi sa tagausig ng karagdagang ebidensya” o baguhin ang mga kaso.

Ang mga pagpapasyang ito ay maaari pa ring i-apela “sa ilalim ng mga tukoy na kundisyon at sa pahintulot ng mga hukom.”

Ngunit kung ang tagausig ay magdesisyon na walang makatwirang batayan para sa isang pagsisiyasat, kailangang hilingin ng tanggapan na “ipaalam sa mga nagbigay ng impormasyon at isapubliko ang desisyon nito.”

Gayunpaman, nakasaad sa Art. 15 ng Statute na hindi nito “pipigilan ang tagausig sa pagsasaalang-alang ng karagdagang impormasyon” na isinumite sa kanya patungkol sa parehong sitwasyon, kung may mga bagong impormasyon o katibayan.

 

Mga Pinagmulan

International Criminal Court, Report on Preliminary Examination Activities 2020, Dec. 14, 2020

International Criminal Court, Report on Preliminary Examination Activities 2019, Dec. 5, 2019

International Criminal Court, Statement of the Prosecutor of the International Criminal Court, Fatou Bensouda, on opening Preliminary Examinations into the situations in the Philippines and in Venezuela, Feb. 8, 2018

International Criminal Court, How the Court works, Accessed Dec. 15, 2020

International Criminal Court, Rome Statute, Rome Statute of the International Criminal Court, Accessed Dec. 15, 2020

Department of Foreign Affairs, PH Officially Serves Notice to UN of Decision to Withdraw from ICC, March 18, 2018

#RealNumbersPh, #RealNumbersPh Year 4, Nov. 30, 2020

International Criminal Court, Pre-Trial Chamber, Accessed Dec. 15, 2020

International Criminal Court, Policy Paper on Preliminary Examinations, November 2013

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.