Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Timeline ng mga alegasyon ng katiwalian sa LTFRB

Ano ang nangyari sa mga alegasyon ng katiwalian sa LTFRB?

By VERA Files

Nov 8, 2023

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pamamagitan ng special order na may petsang Nobyembre 3, ibinalik ng Department of Transportation si Teofilo Guadiz III bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Nangyari ito halos isang buwan matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde kay Guadiz dahil sa mga alegasyon ng katiwalian.

Kinumpirma ito ng Office of Executive Secretary noong Nobyembre 5, na sinabing inalis ng Office of the President (OP) ang suspension order matapos na bawiin ni Jefferson Tumbado ang kanyang mga alegasyon laban kay Guadiz.

“Walang dahilan para ipailalim si Chairman Guadiz sa preventive suspension maliban kung may sumunod na pangyayari na nagpapanatili ng parehong mga akusasyon laban sa kanya ay iharap sa OP,” dagdag nito.

Sinabi ni Tumbado, dating executive assistant ni Guadiz, sa isang media briefing noong Oktubre 9, na ang mga transport official ay tumatanggap ng hanggang P5 milyon mula sa mga operator para mapabilis ang mga transaksyon tulad ng route modification at franchise application sa LTFRB.

Narito ang isang buong timeline ng mga kaganapan sa kontrobersya:

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

Guadiz reinstated as LTFRB Chief

OES confirms lifting of Guadizs suspension order

MANIBELA Facebook page, MANIBELA Press Briefing, Oct. 9, 2023

Presidential Communications Office, STATEMENT ON LTFRB CHAIR TEOFILO GUADIZ III, Oct. 9, 2023

NBI summons Tumbado

Tumbado no-show at NBI

GMA News, Guadiz denies corruption allegations, ready to face probe, Oct. 16, 2023

Tumbado appears before NBI

Tumbado said he was only pressured to recant

House of Representatives, Motu proprio inquiry into the alleged corruption in the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Oct. 23, 2023

ABS-CBN News, LTFRB chief not yet off the hook despite Palace order | TeleRadyo Serbisyo, Nov. 6, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.