VERA FILES FACT CHECK: Pahayag nina Arroyo at Marcos na ipinanukala rin ni Bam Aquino ang parehong sovereign wealth fund bill nangangailangan ng konteksto
Bilang depensa sa panukalang paglikha ng Maharlika Wealth Fund, itinuro ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos si dating senador Benigno “Bam” Aquino IV bilang orihinal na nagsusulong ng katulad na panukala noong 2016. Kailangan nito ng konteksto.