VERA FILES FACT CHECK: Hindi totoo ang sinabi ni Marcos Jr. na ‘walang pagkakataon’ ang kanyang pamilya na sagutin ang P203–B tax case
Sa kanyang panayam kamakailan kay Toni Gonzaga, isang aktres at television host, iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang kanyang pamilya ay “hindi pinayagang mangatwiran” sa P203-bilyong real estate tax case dahil sila ay naka-exile sa Hawaii noong nasa korte ang kaso. Ito ay hindi totoo.






