VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos sa ‘pagbagal’ ng inflation rate nangangailangan ng konteksto
Bagama't nagkaroon nga ng paghina sa inflation rate ng bansa noong huling buwan ng 2022, ito pa rin ang pinakamataas na naitala mula noong 9.1% na nai-post noong Nobyembre 2008. Ito rin ang pinakamabilis sa loob ng 14 na taon, Iniulat ng financial data at media company na Bloomberg noong Enero 5.