VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Mga hoax, gawa-gawang kuwentong inuunahan ang paglabas ng COVID-19 vaccine
Umaasa ang Pilipinas, na nasa ilalim ng isa sa pinakamahabang lockdown sa mundo sa gitna ng pandemya, sa bakunang panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Hindi pa nakarating sa baybayin ng bansa ang bakuna nagsimula nang kumalat ang kung ano-ano nang maling impormasyon tungkol dito.