VERA FILES FACT CHECK: Remulla nilaktawan ulit ang konteksto ng pagiging miyembro ng Pilipinas sa ICC
Binatikos ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang International Criminal Court (ICC) dahil sa “pagpipilit na pumasok sa Pilipinas” upang imbestigahan ang mga pagpatay na may kaugnayan sa droga noong panahon ng administrasyong Duterte sa kabila ng pagkalas ng bansa sa Netherlands-based tribunal. Kailangan nito ng konteksto.