VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte na langis ang nangungunang pinagmumulan ng kuryente nangangailangan ng konteksto
Sa isang pahayag kamakailan sa telebisyon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kuryente sa bansa ay "gawa ng langis." Ito ay nangangailangan ng konteksto. Hindi langis ang nangingibabaw na pinagkukunan ng enerhiya sa bansa. Isa lamang ito sa ilang pinagmumulan na ginagamit ng gobyerno at pribadong sektor.