Sa isang talumpati noong Enero 29, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ay isang bansa na walang langis. Hindi ito totoo.
Sa pagsasalita tungkol sa mga programa ng gobyerno laban sa kahirapan sa ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Social Welfare and Development, sinabi ng pangulo:
“…Indonesia, Malaysia, Brunei have oil (ay may langis). So (Kaya’t) wala sila masyadong problema diyan because almost one half of the total (dahil halos kalahati ng kabuuan) — o it’s about (ito ay) mga — GDP kinakain ng… The income (Ang kita), kinakain ng oil (langis). ‘Yun ang problema sa atin plus the corruption (pati na ang katiwalian).”
Pinagmulan: Radio Television Malacanang, 69th Founding Anniversary of the Department of Social Welfare and Development (Speech), Enero 29, 2020, panoorin mula 14:58 hanggang 16:10
Gumawa na siya ng katulad na pahayag sa hindi bababa sa tatlong mga talumpati noong 2018, na sinabing hindi pinagpala ng Diyos ang bansa na magkaroon ng langis, hindi katulad ng ibang mga bansa. Noong Nobyembre sa parehong taon, nagbitaw siya ng maling pahayag na ang oil field sa Alegria, Cebu, na kanyang inagurahan, ang kauna-unahan sa bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Sa isang talumpati, Duterte nagbitaw ng 9 na maling pahayag)
Ngunit taliwas sa pahayag ni Duterte, ang Pilipinas ay mayroong komersyal na langis noong pang 1979.
Panoorin ang video na ito.
VERA FILES FACT CHECK: Duterte wrong in saying PH has ‘no oil’ from VERA Files on Vimeo.
Batay sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy, ang mga oil field sa bansa ay gumawa ng kabuuang 776,093 barrels ng langis noong 2019. Ang pinakamalaking bulto ay nagmula sa Galoc oil field na matatagpuan sa northwest Palawan, na karugtong ng Alegria oil field sa southern Cebu bilang isa sa dalawang natitirang gumaganang oil fields sa bansa pagkatapos ng mga Nido, Matinloc, at North Matinloc oil fields na nagtapos ang operasyon noong Nobyembre 2019.
Mayroong siyam pang iba pang “undeveloped” oil fields sa bansa, ayon sa ulat na inilabas noong Enero 2019 ng Philippine Statistics Authority na sakop mula 2000 hanggang 2017.
Sinabi rin ng ulat na ang kabuuang reserbang langis ng bansa, na umaabot mula 134.5 milyon hanggang 172.8 milyong bariles ng langis, “[ay] hindi nagbago nang malaki” mula 2000 hanggang 2017 lalo na dahil “hindi aktibo ang karamihan sa mga reserba,” sapagkat malaking bahagi, o humigit-kumulang na 91.4 porsyento, ng kabuuang reserba ay “Class C” o hindi komersyal.
Hanggang sa 2017, ang mga “Class A” na reserbang langis, o mga commercially recoverable, ay tinatayang magtatagal lamang ng “apat na higit pang mga taon.”
Inaprubahan at inagurahan ni Duterte ang ilang mga proyekto na nauugnay sa langis. Noong Mayo 2018, binuksan niya ang Alegria gas at oil field sa Cebu. Pagkalipas ng limang buwan, nilagdaan niya ang unang petroleun service contract sa ilalim ng kanyang termino kasama ang Israeli company na Ratio Petroleum Ltd. upang galugarin at maghanap ng langis at gas sa eastern Palawan.
Noong Mayo 2019, nilagdaan ni Duterte ang Executive Order 80 upang ipaliwanag sa makatwirang paraan ang mga patakaran sa pakikipag-ugnayan ng mga third party na kalahok sa ilalim ng mga petroleum service contract na iginawad ng gobyerno. Kinilala ni Duterte na pinahihintulutan ang mga third party contractor at Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) na lumahok sa mga service contract bilang isang hakbang upang “mapahusay” ang pagiging competitive ng bansa bilang isang “oil at gas investment destination.”
Mga Pinagmulan
Radio Television Malacanang, 69th Founding Anniversary of the Department of Social Welfare and Development (Speech), Jan. 29, 2020
Speeches of Duterte
- Presidential Communications Operations Office, SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE DURING THE INAUGURATION OF THE 420-MW PAGBILAO UNIT 3 POWER PROJECT, June 2, 2018
- Presidential Communications Operations Office, SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE DURING THE INAUGURATION OF THE, May 31, 2018
- Presidential Communications Operations Office, SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE DURING THE BOOK LAUNCHING OF “PROSPER THY NEIGHBOR”, Oct. 14, 2018
Business World, DoE preparing LNG plan B if no private investors emerge, July 11, 2018
Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte at the Ceremonial Commencement of the Alegria Oil Field
Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte at the Ceremonial Commencement of the Alegria Oil Field
Department of Energy, Philippine Petroleum Production (as of December 2019)
Philippine Statistics Authority, Asset Accounts for Oil, Natural Gas, and Condensate Resources of the Philippines
Department of Energy, Oil and Gas History
Department of Energy, Energy Sector Milestones
Department of Energy, DOE Joins Closing Ceremony of Northwest Palawan Offshore Oil Fields
Presidential Communications Operations Office, The President’s Mid-term report to the people 2016-2019
Official Gazette, Executive Order 80
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)