Sinalungat ni Communications Assistant Secretary Maria Rafael-Banaag ang tinatawag ng kanyang opisina na “tanging” opisyal na mapagkukunan ng datos tungkol sa giyera laban sa bawal na gamot, ang #RealNumbersPH, nang kanyang itanggi na libu-libo na ang napatay sa kontrobersyal na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.
Sa sariling 2017 accomplishment report sa katapusan ng taon na inilabas ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), nakasaad na sa unang 16 na buwan ng kampanya laban sa mga iligal na droga, mahigit 20,000 ang naitala ng gobyerno na napatay.
PAHAYAG
Sa isang talumpati noong Hunyo 4 sa Department of Foreign Affairs, sinabi ni Rafael-Banaag na sina United Nations (UN) High Commissioner for Human Rights Chair Michelle Bachelet at Iceland Minister of Foreign Affairs Gudlaugur Thor Thordarson ay gumamit ng “baseless (walang basehan),” “unfair estimates (hindi makatarungang mga pagtatantiya)” sa bilang ng mga napatay sa giyera laban sa iligal na droga sa bansa, iniulat ng Philippine News Agency (PNA).
Ito ay reaksyon sa talumpati ni Bachelet noong Marso 9 sa UN Human Rights Council (UNHRC) kung saan sinabi niya na “up to (aabot ng) 27,000 people may have been killed in the context of the campaign against illegal drugs since mid-2016 (ang maaaring napatay sa konteksto ng kampanya laban sa mga iligal na gamot mula pa noong kalagitnaan ng 2016)” sa Pilipinas. Binanggit rin ng PNA na sinabi ni Thordarson na ang “reports of (mga ulat ng) extrajudicial killings” sa bansa “reached new heights with some estimates up to (ay umabot na sa napakaraming bilang na may ilang mga pagtatantiya na hanggang sa) 27,000 people killed (ang napatay).”
Iniulat ng PNA:
Rafael said Bachelet and Thordarson might be referring to homicide cases recorded from 2013 to 2018.
“Note that these homicide cases are not at all directly related to the deaths during anti-illegal drugs operations,” Rafael said.
The homicide cases, she said, may have resulted out of road rage, land dispute, personal grudge, business rivalry, love triangle, family dispute or politics.
“Again, let me stress that the 27,000 cases being referred to are not cases of deaths arising from the campaign against illegal drugs of this administration,” she added.
(Sinabi ni Rafael na maaaring tinutukoy nina Bachelet at Thordarson ang mga kaso ng homicide na naitala mula 2013 hanggang 2018.
“Tandaan na ang mga kaso ng homicide na ito ay hindi direktang nauugnay sa pagkamatay sa mga operasyon laban sa iligal na droga,” sabi ni Rafael.
Ang mga kaso ng homicide, sabi niya, ay maaaring nagresulta dahil sa road rage, pagtatalo sa lupa, personal na galit, labanan sa negosyo, love triangle, pagtatalo sa pamilya o pulitika.
Muli, aking ididiin na ang 27,000 kaso na tinutukoy ay hindi mga kaso ng pagkamatay na nagmumula sa kampanya laban sa mga iligal na droga na pinangangasiwaan ng administrasyong ito,” dagdag niya).”
Pinagmulan: Philippine News Agency, Drug campaign critics using ‘baseless’ data: PCOO exec, Hunyo 4, 2019.
ANG KATOTOHANAN
Sa 2017 year-end report ng administrasyong Duterte kaugnay ng pangunahing nagawa nito, sinabi ng PCOO na mayroong 16,355 “homicides under investigation (na iniimbestigahan)” mula Hulyo 1, 2016 – Setyembre 30, 2017, at 3,967 “drug personalities who died in
anti-drug operations (mga personalidad kaugnay ng droga na namatay sa mga operasyon laban sa droga)” mula Hulyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 30, 2017.
Ang mga datos na ito ay nasa chapter na “Fighting Illegal Drugs” at naka-label bilang “#RealNumbers.”
Ang #RealNumbersPH ay “ulat ng gobyerno sa kampanya patungo sa isang drug-free Philippines, na nagbibigay ng buwanang pagsubaybay sa impormasyon tungkol sa mga operasyon.” Noong Disyembre 2017, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na ang publiko ay dapat” magtiwala lamang sa #RealNumbers.”
Hiniling ng Korte Suprema, sa isang resolusyon noong Abril 2018, sa gobyerno na ipaliwanag ang higit sa 20,000 “officially confirmed (opisyal na kumpirmadong)” mga pagkamatay na kaugnay sa iligal na droga:
“This is a total of 20,322 deaths during the Duterte Administration’s anti-drug war from July 1, 2016 to November 27, 2017, or an average of 39.46 deaths every day. This Court wants to know why so many deaths happened as expressly reported under the section ‘Fighting Illegal Drugs’ of
the Duterte’s Administration 2017 Yearend Report.
(Ito ay kabuuang 20,322 pagkamatay sa digmaan laban sa iligal na droga ng Duterte Administration mula Hulyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 27, 2017, o average na 39.46 ang namamatay sa araw-araw. Nais malaman ng Korte na
ito kung bakit nangyari ang napakamaraming napatay na tahasang
iniulat sa ilalim ng seksyon na “Fighting Illegal Drugs” ng
Duterte Administration 2017 Yearend Report).”Pinagmulan: Supreme Court of the Philippines, Notice of Resolution (G.R. Nos. 234359 and 234484), 2018.
Ang pinakabagong bilang ng #RealNumbersPH sa website ng Philippine Drug Enforcement Agency, na sumasaklaw sa Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 31, 2019, ay nagpapakita na mayroong 5,375 “drug personalities who died in anti-drug operations (mga personalidad kaugnay ng droga na napatay sa mga operasyon laban sa droga).”
Ang kampanyang #RealNumbersPH, na inilunsad noong Mayo 2017, ay hindi kailanman isinama ang bilang ng mga homicide na sumasailalim ng imbestigasyon, hindi katulad ng datos sa year-end accomplishment report.
Tinukoy din ng Korte Suprema sa resolusyon nito na ang “government’s inclusion of these deaths among its other accomplishments may lead to the inference that these are state-sponsored killings (pagsama ng gobyerno sa mga pagkamatay na ito sa iba pang mga nagawang kabutihan ay maaaring humantong sa paghihinuha na ang mga ito ay mga pagpatay na inisponsor ng estado.).”
Ang UNHRC noong Hulyo 11 ay nagpatibay ng resolusyon na ipinasa ng Iceland, na nanawagan sa internasyunal na ahensiya na imbestigahan ang mga pagpatay.
Sinabi ng internasyonal na human rights group na Amnesty International noong Hulyo 8 na dapat sisiyasatin ng UN ang kampanyan laban sa droga ng administrasyong Duterte:
“Three years on, President Duterte’s ‘war on drugs’ continues to be nothing but a large-scale murdering enterprise for which the poor continue to pay the highest price. It is time for the United Nations, starting with its Human Rights Council, to act decisively to hold President Duterte and his government accountable. All it takes to be murdered is an unproven accusation that someone uses, buys, or sells drugs.
Everywhere we went to investigate drug-related killings ordinary
people were terrified. Fear has now spread deep into the social
fabric of society.
(Makalipas ang tatlong taon, ang ‘digmaan laban sa droga’ ni Pangulong Duterte ay walang iba kundi isang malakihang proyekto ng pagpatay kung saan mga mahihirap ang patuloy na nasasaktan. Panahon na para sa United Nations, simula sa kanyang Human Rights Council, upang kumilos nang determinado na panagutin si Pangulong Duterte at ang kanyang
pamahalaan. Ang tanging kailangan lamang upang mapatay ay isang di-napatunayan na paratang na ang isang tao ay gumagamit, bumibili, o nagbebenta ng mga droga. Kahit saan kami nagpunta upang imbestigahan ang mga pamamaslang na may kaugnayan sa droga ang mga ordinaryong tao ay takot. Ang takot ay kumalat na at nakabaon ng malalim sa sistema ng lipunan).”— Nicolas Bequelin, Regional Director ng Amnesty International for East and Southeast Asia.
Pinagmulan: Amnesty International, Philippines: UN investigation urgently needed into Duterte administration’s
murderous “war on drugs,” Hulyo 8, 2019.
Mga Pinagmulan
ABS-CBN News, UN rights body OKs investigation on PH drug killings, rights situation, July 11, 2019
Amnesty International, Philippines: UN investigation urgently needed into Duterte administration’smurderous “war on drugs,” July 8, 2019
Australian Department of Foreign Affairs and Trade, Human Rights Council 38th session, Joint Statement on the Human Rights
Situation in the Philippines, General Debate – Item 2, June 19, 2018
Facebook, Realnumbersph – About
Facebook, Official
page of Martin Andanar, Dec. 3, 2017
Human Rights Watch, Philippines: UN Takes Critical Step Toward Accountability, July 11, 2019
Philippine Drug Enforcement Agency, #RealNumbersPH.
Philippine News Agency, Drug campaign critics using ‘baseless’ data: PCOO exec, June 4, 2019
Presidential Communications Operations Office, The Duterte Administration Year-End Report 2017 Key Accomplishments
Rappler, U.N. rights council adopts resolution vs PH drug war killings, July 11, 2019
Supreme Court of the Philippines, Notice of Resolution (G.R. Nos. 234359 and 234484), April 3, 2018
United Nations Human Rights Office of the High Commissioner, High Commissioner Bachelet calls on States to take strong action against inequalities, March 6, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)