Mali si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pahayag na “napakahirap” matukoy ang sovereign rights ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito.
PAHAYAG
Sa isang pakikipanayam sa ANC noong Hunyo 26, nagbigay ng opinyon si Sotto
kaugnay ng mga panawagan para sa impeachment ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos sabihin ng Pangulo na pinahihintulutan niya ang China na mangisda sa EEZ ng bansa — isang paglabag sa Konstitusyon
(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Allowing China to fish in PH EEZ violates Constitution, local laws).
Sinabi ni Sotto:
“Then it would be a very good test case. I suggest that they file an impeachment and let’s see if they’re right. It’s very difficult to say that there is exclusivity when it’s underwater. The fish could be coming from China and the fish from the Philippines could be going to China.
(Magiging isang magandang test case ito. Imumungkahi ko na mag-file sila ng impeachment at tingnan natin kung tama sila. Mahirap sabihin na may exclusivity kapag nasa ilalim ng tubig. Ang isda ay maaaring nagmula sa China at ang mga isda mula sa Pilipinas ay maaaring pumunta sa China).”Pinagmulan: ABS-CBN News, Sotto sees no problem with allowing Chinese fishers in PH waters | ANC, Hunyo 26, 2019,
panoorin mula 2:23 hanggang 2:49
Matapos tumanggap ng matinding kritisismo, nilinaw ni Sotto na ang kanyang komento ay ginawa ng may “pagbibiro.”
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ni Sotto, ang Pilipinas, sa pamamagitan ng
Republic Act 9522 o Philippine Archipelagic Baselines Law, ay natukoy na ang mga lugar na kung saan ito ay may “dominion, sovereignty and jurisdiction (kapangyarihan, soberanya at hurisdiksyon).”
Naitalaga ng batas ang mga baseline ng bansa, na ginamit upang maibalangkas ang EEZ nito.
Ang EEZ ay isang
lugar na lampas at katabi ng teritoryal na dagat nito, na hindi
maaaring lumagpas sa 200 nautical miles mula sa baseline ng isang
baybaying Estado.
Ang mapa ay isinama bilang isang sanggunian sa isa sa mga isinumite ng Pilipinas sa nanalong kaso nito laban sa China kaugnay ng pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea sa Permanent Court of Arbitration.
Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (
UNCLOS), ang isang baybaying Estado tulad ng Pilipinas, ay may eksklusibo o pinakamataas na karapatan sa EEZ nito:
“…for the purpose of exploring and exploiting, conserving and managing the natural resources, whether living or non-living, of the waters superadjacent to the seabed and of the seabed and its subsoil, and with regard to other activities for the economic exploitation and exploration of the zone, such as the production of energy from the water, currents and winds.
(… para sa layunin ng paggalugad at paggamit, pag-iingat at pangangasiwa sa mga likas na yaman, maging ang buhay o di-nabubuhay, ng mga tubig na pinakamalapit sa seabed at ng seabed at sa ilalim ng lupa nito, at tungkol sa iba pang mga aktibidad para sa pang-ekonomiya paggamit at paggalugad ng
sona, tulad ng produksyon ng enerhiya mula sa tubig, alon at
hangin).”
Ang Article XII, Section 2 ng Konstitusyon ng 1987 ay nag-uutos sa Estado “to protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens (na protektahan ang yamang dagat ng bansa sa kanyang arkipelagong tubig, teritoryal na dagat, at exclusive economic zone, at ireserba ang paggamit at kasiyahan nito eksklusibo sa mga mamamayang Pilipino).”
Mga Pinagmulan
ABS-CBN News, Sotto sees no problem with allowing Chinese fishers in PH waters | ANC, June 26, 2019
Official Gazette, RA9522
Senate.gov.ph, Sponsorship speech on The 2009 Baselines Bill, Jan. 27, 2009
Permanent Court of Arbitration, The Philippines’ Memorial – Volume I (p. 47), March 30, 2014
Permanent Court of Arbitration, South China Sea Arbitration Award, July 12, 2016
United Nations, UNCLOS Part V: Exclusive Economic Zone
United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea
Official Gazette, 1987 Constitution
ABS-CBN News, Sotto defends ‘tongue in cheek’ remark on Chinese, PH fish, June 27, 2019
Inquirer.net, My views on West PH Sea row were just ‘tongue in cheek’ — Sotto, June 27, 2019
Rappler.com, Passport for fishes? Netizens poke fun at Sotto’s fish remark, June 28, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na
ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)