Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Ang nagbabagong paninindigan ng Palasyo sa pagpapahintulot sa China na mangingisda sa PH EEZ

Tatlong taon na ang nakalipas, inilabas ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang makasaysayang desisyon nito na pumabor sa Pilipinas laban sa China tungkol sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

By VERA Files

Aug 2, 2019

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Tatlong taon na ang nakalipas, inilabas ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang makasaysayang desisyon nito na pumabor sa Pilipinas laban sa China tungkol sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Sa desisyon nito, kinilala ng Korte ang kabiguan ng China na pigilan ang mga mangingisda nito sa pangingisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas — isang paglabag sa mga karapatang soberano ng huli sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ito ang parehong posisyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa simula kasunod ng Hunyo 9 allision sa Recto Bank, isang lugar sa loob ng EEZ ng bansa (Tingnan ang
VERA FILES FACT SHEET: The evolving statements on the Recto Bank allision: a visual timeline).

Ngunit nagbago si Panelo ng paninindigan. Inuulit na niya ngayon ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsabi na hahayaan niya ang China na umani ng mga yamang dagat sa EEZ ng bansa upang maiwasan ang isang “digmaan.”

Panoorin kung paano nagbago ang posisyon ng Palasyo sa isyu.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Press briefing of
Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador
Panelo:

Presidential Communications Operations Office, Speech during the 122nd founding anniversary of Presidential Security Group, June 26, 2019

Radio Television Malacañang, Media Interview after the Premiere Night of the Movie ‘Kontradiskyon’, June 24, 2019

Permanent Court of Arbitration, The South China Sea Arbitration Award, July 12, 2016

United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya.
Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.