Ang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Estelita Fuentes Trillanes, ina ni dating senador Antonio Trillanes IV, ay kasabwat ni pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles sa paghahatid ng substandard Kevlar helmet sa Philippine Navy ay walang batayan.
PAHAYAG
Sa isang talumpati noong Hunyo 21 sa panunumpa ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, anak niyang bunso, sinabi ng Pangulo:
“Remember (Tandaan ninyo) ‘yung Kevlar? It’s a (Ito ay isang) helmet na matigas na hindi matamaan ng — kung bala hindi masyado maka-penetrate (makatagos). That’s (Iyan ang) Kevlar. Ang nag-deliver (naghatid) noon ang nanay ni Trillanes pati si Napoles. ‘Yan ang totoo diyan.”
Pinagmulan: RTVMalacanang Youtube, Oath-Taking Ceremony of Davao City Vice Mayor Sebastian Z. Duterte (Speech), Hunyo 21, 2019, panoorin mula 39:17 hanggang 39:38
ANG KATOTOHANAN
Ang pangalan ni Estelita ay hindi kailanman lumitaw sa mga dokumento ng korte tungkol sa maanomalyang P3.8-milyong Kevlar helmet deal.
Hindi ito ang unang pagkakataon na idinawit ni Duterte ang ina ni Trillanes sa korapsyon umano sa Philippine Navy. Sa magkahiwalay na talumpati noong Setyembre at Nobyembre 2018,
sinabi ng Pangulo na si Estelita at ang kanyang asawa ay kasangkot sa mga ilegal na transaksyon. Si Duterte ay hindi nagpakita ng anumang patunay upang suportahan ang kanyang mga paratang.
Ang isang matinding kritiko ni Duterte, si Trillanes ay nag-tweet na kung ang kanyang mga magulang ay kasangkot sa maanomalyang Kevlar helmet, ito matagal na dapat inilantad ni dating House Speaker Gloria Arroyo sa panahon ng kanyang pagkapangulo.
Sinabi niya:
“Wagas magsinungaling si Duterte kasi natatandaan pa ng mga tao na ang mga substandard na Kevlar helmets na yan ay isa sa mga issues (isyu) na inireklamo namin nung Oakwood Incident. Kung may kinalaman ang mga magulang ko dyan, dapat nun pa lang, nilabas na ni GMA yan at ginamit laban sa kin. Regardless (Gayunpaman), ayon kay Duterte mahigit isang taon na iniimbestigahan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang Nanay
ko, pero ni isang dokumento ay wala siyang mailabas para maiugnay sa kahit na anong iligal na transaksyon.”Pinagmulan: @TrillanesSonny, Komo tameme si Duterte sa Recto Bank issue, Hunyo 21, 2019
Sa pagtukoy sa anomalya ng Kevlar helmet, isinulat ni Trillanes noong 2002 ang tungkol sa katiwalian sa sistema ng
procurement sa Philippine Navy bilang isang graduate student ng Public Administration sa UP Diliman.
Sa isang ulat ng Fact Finding Commission, lumabas na ang mga reklamo tungkol sa katiwalian sa militar ay isa sa mga pangunahing dahilan sa likod ng Oakwood Mutiny noong 2003, na pinangunahan ni Trillanes, bukod sa iba pang mga sundalo.
Noong 2010, hinatulan ng Sandiganbayan 4th Division na nagkasala ang mga kamag-anak ni Napoles kasama ang iba pang mga opisyal ng Philippine Marine at mga sibilyan kaugnay ng kaduda-dudang pagbili ng 500 Kevlar helmet.
Hinatulan ng korte sina Magdalena Luy Lim (ina ni Napoles), Reynaldo Lim (kapatid na lalaki ni Napoles), Anna Marie-Lim (hipag ni Napoles) at iba pang Marines at sibilyan dahil sa palsipikasyon ng mga pampublikong dokumento at pagdispalko ng pondo ng gobyerno.
Si Napoles ay kinasuhan ng graft dahil sa hindi pag-deliver sa oras sa mga Marines ng mga nabayarang Kevlar na gawa sa U.S. Sa halip, naghatid siya ng mga helmet na gawa sa Taiwan.
Pitong mga bidder sa transaksyon ang napatunayang mga dummy ni Napoles dahil sa 14 na transaksyon na nagkakahalaga ng P300,000 bawat isa ang nadeposito sa bank account ni Napoles.
Napawalang-sala si Napoles kasama ang anim na iba pa, kabilang si dating Marine Commandant Lt. Gen. Edgardo Espinosa, dahil sa hindi sapat na ebidensiya na nagpapakita na si Napoles ay kasali sa isang sabwatan, sa kabila ng katibayan na mga tseke na idineposito sa kanyang account.
Si Napoles ang kinilalang utak ng 2013 Priority Development Assistant Fund (PDAF) o pork barrel scam.
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte During the Oath-Taking Ceremony of
Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte, June 21, 2019
RTVMalacanang Youtube, Oath-Taking Ceremony of Davao City Vice Mayor Sebastian Z. Duterte (Speech), June 21, 2019
RTVMalacanang Youtube, Tete-A-Tete with Presidential Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, Sept. 11, 2018
RTVMalacanang Youtube, Davao City Bulk Water Supply Project Construction Kick-Off, Nov. 29, 2019
@TrillanesSonny, Komo
tameme si Duterte sa Recto Bank issue, June 21, 2019
Trillanes.com.ph, Corruption in the Philippine Navy Procurement System, June 27, 2017
Antonio “Sonny” Trillanes IV, Corruption in the Philippine Navy
GMA News Online, The Report of the Fact Finding Commission, Hulyo 30, 2003
Inquirer.net, WHAT
WENT BEFORE: Oakwood Mutiny and Trillanes’ 2nd try to oust Arroyo, Setyembre 4, 2018
GMA News Online, Oakwood Mutiny, July 20, 2007
Rappler, TIMELINE: Trillanes, from mutiny to amnesty, Sept. 15, 2018
Sandiganbayan, En Banc, Oct. 28, 2010
ABS-CBN News, Fast
facts on Janet Lim Napoles, Nov. 7, 2013
Rappler, How
Janet Napoles got away, August 8, 2018
Inquirer.net, WHAT WENT BEFORE: Napoles and the pork barrel scam, August 2, 2018
Inquirer.net, Pro-Napoles
justice guilty, July 9, 2014
GMA News Online, Sandiganbayan Justice Gregory Ong dismissed over Napoles link
, Sept. 23, 2014
Philstar.com, Supreme Court: Dismissal of Sandigan Justice Ong final, Oct. 13, 2014
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)