VERA FILES FACT CHECK: PCOO Asec. Rafael-Banaag kinontra ang opisyal na datos ng gobyerno sa giyera laban sa droga
Sinalungat ni Communications Assistant Secretary Maria Rafael-Banaag ang tinatawag ng kanyang opisina na "tanging" opisyal na mapagkukunan ng datos tungkol sa giyera laban sa bawal na gamot, ang #RealNumbersPH, nang kanyang itanggi na libu-libo na ang napatay sa kontrobersyal na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.