VERA FILES FACT CHECK: Marcos hihingi ng kumpirmasyon sa nominasyon ni Sara Duterte sa DepEd nangangailangan ng konteksto
Nangangailangan ng konteksto ang pahayag ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “ibibigay” niya sa Commission on Appointments (CA) ang nomination papers ng kanyang running mate at presumptive vice president na si Sara Duterte-Carpio bilang susunod na Education secretary.



