VERA FILES FACT SHEET: Paano nadidiskubre ng Pilipinas ang mga bagong SARS-CoV-2 variant
Pumasok ang ikalawang quarter ng 2021 sa Pilipinas na may record na bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Higit 864,000 na sa kasalukuyan, tinatayang aabot sa isang milyon ang bilang ng local coronavirus infection sa buong bansa sa pagtatapos ng buwan sa pagtataya ng isang research group.