Maraming nababahala sa malawakang red tagging sa social media. Lumala pa ito noong panahon ng kampanya, at patuloy na kumakalat pagkatapos ng halalan.
Sa pang-limang episode ng #WhatTheF?! podcast ng VERA Files, kasama natin si Diosa Labiste, associate professor sa Unibersidad ng Pilipinas, upang suriin kung bakit maituturing na disinformation ang red tagging at bakit ito kailangang masugpo.