VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos na ‘hindi totoo,’ ‘propaganda’ ang mga kaso ng ill-gotten wealth HINDI TOTOO
Hindi bababa sa tatlong kaso sa Korte Suprema ang nagpapatunay sa pagkakaroon ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos. Sa lahat ng tatlong kaso, iniutos ng SC ang pagbawi ng mga ari-arian na ito pabor sa gobyerno ng Pilipinas.