VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Alingawngaw sa Duterte chamber: Mga kaalyado inuulit ang mantra ng pangulo na ‘pumatay’
Ang epekto ng malakas na personalidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tila naipasa sa mga taong katrabaho niya at mga humahanga sa kanya. Ginagaya si Duterte ng mga kaalyado, lalo na kung pinag-uusapan ang pangunahing program ng gobyerno na giyera laban sa droga at kontra katiwalian.