Ang epekto ng malakas na personalidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tila naipasa sa mga taong katrabaho niya at mga humahanga sa kanya. Ginagaya si Duterte ng mga kaalyado, lalo na kung pinag-uusapan ang pangunahing program ng gobyerno na giyera laban sa droga at kontra katiwalian.
Sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Emmanuel “Manny” Pacquiao, at Christopher Lawrence “Bong” Go, at Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin ay kabilang sa mga natukoy ng VERA Files Fact Check na gumagaya sa mga matitinding linya ni Duterte sa nakaraang taon.
Sa nagdaang mga taon, ang iba pang mga opisyal ay tinukoy din ang Operation Plan Tokhang ni Duterte sa kanilang mga pahayag. Sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica noong 2018 na ang mga tiwaling opisyal ay dapat isailalim sa “tokhang.”
Si Jose Arturo “Jojo” Garcia, noo’y Assistant General Manager ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ay iniulat noong 2017 na nagsasabing gusto niyang maisama sa “tokhang” ang mga mamamahayag na nagsusulat ng masamang istorya tungkol sa kanilang ahensya.
Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa
Pinangunahan ni Senator Dela Rosa ang unang dalawang taon ng nakamamatay na giyera sa droga ni Duterte bilang hepe ng Philippine National Police (PNP). Dinala niya ngayon ang kampanya laban sa iligal na droga sa Senado.
“Sabi ko let’s try (subukan natin), i-reimpose (ibalik) natin itong death penalty. Tingnan natin. Barilin natin sa Luneta itong isa, dalawa, tatlo, apat na mga drug lord. Tingnan natin kung maghahakot pa sila ng drugs dito sa Pilipinas.”
Pinagmulan: CNN Philippines, #TheFilipinoVotes SENATORIAL FORUM, Dis. 2, 2018, panoorin mula 40:51 hanggang 41:00
Nanawagan si Dela Rosa para sa muling pagpapatupad ng parusang kamatayan para sa mga taong sangkot sa iligal na droga, pati na rin sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Noong Hulyo, isinampa niya ang Senate Bill No. 226 upang “hadlangan” ang paglaki ng mga sindikato ng mga dayuhan sa droga at upang matugunan ang iligal na drug trafficking “sa rehiyon.”
Matapos pamunuan ang giyera ni Duterte sa droga, si Dela Rosa ay hinirang na hepe ng Bureau of Corrections noong 2018. Sa kanyang unang araw, nagbabala siya sa mga drug lords sa pambansang bilangguan, at nagsabing “Ako ang boss.” Sinabi niya sa mga guwardya sa bilangguan na huwag matakot sa mga ma-perang drug lord dahil maaari ring mapatay ang mga ito habang nasa kulungan.
Gumawa rin ng parehong pahayag si Dela Rosa noong Agosto 2016 – dalawang buwan matapos ang maging PNP chief – nang sinabi niya sa mga drug surrenderees na maghiganti sa mga drug lord. Sinabi niya na maaari silang pumatay, at magsunog ng mga bahay ng mga drug lord. Nang maglaon, humingi siya ng paumanhin dahil sa pahayag, sinabi na ginawa niya ito dahil sa pagkadismaya.
Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin
Bilang pinuno ng mga diplomat ng bansa, isinasantabi ni Locsin ang diplomatese sa pagtatanggol sa mga patakaran ng administrasyong Duterte, kasama na ang giyera laban sa droga.
“Interesting. Maybe we’re not killing enough of the right guys to kill. What do you think? I think rogue cops should get the same treatment they dish out. What do you think? It is a population control measure, at least.
(Kawili-wili. Siguro hindi pa kami pumapatay nang husto ng mga taong dapat patayin. Ano sa tingin mo? Sa palagay ko ang mga tiwaling pulis ay dapat tratuhin kung paano nila tinatrato (ang inaaresto). Ano sa tingin mo? Ito ay isang panukalang pang kontrol sa populasyon, kahit papaano.)”
Pinagmulan: Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin official Twitter account, Interesting…, Okt. 30, 2019
Sa isang tweet noong Dec. 12, sinabi ni Locsin na ang transaksyon sa droga ay hindi isang “psycho-socio-economic problem” ngunit isang “bad people problem” na malulutas lamang sa pamamagitan ng “subtraction.” Sinabi niya na ang “mga batayan,” ang laki ng problema sa droga ng bansa, at ang bilang ng mga tao na “makatuwiran,” “hindi wasto,” at iyong dapat barilin dahil sa lumaban sa pag- aresto ay kailangang malaman.
Bago pa man siya itinalaga sa Department of Foreign Affairs, si Locsin ay gumawa ng isang kontrobersyal na tweet noong 2016, na nagmumungkahi ng isang “pangwakas na solusyon” ng mga Nazi sa “panganib ng droga.” Nang maglaon, sinabi niyang ito ay isang “private joke.” Nakakuha ng atensyon ang post ni Locsin pagkatapos ihambing ni Duterte, sa isang press briefing, ang kanyang sarili sa pinuno ng Nazi na si Adolf Hitler, na namuno sa pagpatay ng mga Hudyo sa Germany noong 1940s. Nang maglaon ay humingi ng tawad si Locsin sa “mga tunay na kaibigan” at mga tagasunod sa social media.
Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao
Kamatayan sa pamamagitan ng firing squad para sa mga drug smuggler ang gusto Pacquiao, ang boksingerong pulitiko. Naniniwala siya na ang parusang kamatayan para sa smuggling ng droga ay hindi kontra sa mahirap dahil target nito ang mga drug lord na “hindi mahirap.” Sinabi niya:
“Kung ako, i-firing squad talaga kasi ang (drug smugglers) tigas talaga ng ulo. Ewan ko kung Pilipino ang gumagawa o foreigners….Gusto ko masampolan ang foreigners na gumagawa, nagpapasok (droga) dito sa ating bansa. So para sa akin walang batas-batas.”
Pinagmulan: Inquirer.net, Pacquiao wants those behind smuggled drugs executed by firing squad, Agosto 18, 2018, panoorin mula 00:26 hanggang 00:42
Sa isang panayam noong Hulyo, tinanong si Pacquiao kung anong pamamaraan ng pagpatay ang dapat gamitin para sa mga krimen tulad ng droga at pandarambong.
“Basta death…death penalty. Kung droga siguro firing squad para makita ng tao na huwag tularan…[para sa pandarambong], depende na rin puwede ring i-firing squad, puwede ring lethal injection.”
Pinagmulan: GMA News, Senador Pacquiao ukol sa death penalty, Hulyo 23, 2019, panoorin mula 1:11 hanggang 1:41
Inilalarawan ang sarili bilang “pro-life, si Pacquiao ay isinulong ang parusang kamatayan para sa mga kasumpa-sumpang mga krimen tulad ng drug trafficking, sa kanyang unang privilege speech noong 2016.
Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go
Si Go, na patuloy na kumikilos bilang isang “aide” sa Pangulo kahit na isang miyembro na ng Senado, ay dinala ang laban ng laban ng Malacañang sa iligal na droga at kriminalidad sa kanyang lehislatibong agenda. Ginagaya din niya ang masagwang istilo ng pagsasalita ni Duterte.
Minaliit niya ang kakayahan ni Vice President Leni Robredo na pangunahan ang giyera sa droga nang hirangin ito ng Pangulo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) noong Nobyembre. Sinabi niya:
“Yung nagsasabi na isa sa mga assistant mo na trap (bitag) ito, it’s not a trap (hindi ito isang bitag). Kapain mo muna ang sarili mo. Kung walang bayag ang mga assistant mo, ibulong mo na lang sa amin. Kami ang papatay sa drug lord.”
Pinagmulan: Senado ng Pilipinas, Bong Go welcomes Robredo’s acceptance of drug czar post, Nob 6, 2019
Noong Nobyembre 25, nang maulat na si Robredo ay sinibak sa ICAD ni Duterte, sinabi ni Go:
“Itong kampanya laban sa droga kailangan kamay na bakal, hindi pwedeng puro talk (pakikipag-usap) lang tayo dito, puro istorya. Kailangan takutin mo ang mga ‘yan, patayin mo, kundi hindi sila matatakot.”
Pinagmulan: CNN Philippines, Go calls out Robredo for not killing drug lords as anti-drug czar, Nob. 25, 2019
Samantala, kinuwestiyon ni Go ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagdinig sa badyet ng Senado noong Nobyembre dahil “tila mas pinapahalagahan nito ang mga karapatan at buhay ng mga kriminal” kaysa sa mga biktima. Ang CHR ay isang constitutional commision na inatasang protektahan ang mga karapatan ng mga Pilipino mula sa mga aktor ng estado at hindi pang-estado. Tinuligsa ni Duterte ang CHR noong nakaraan dahil sa pagpuna sa kanyang giyera laban sa droga, na “nagbirong” ang tanggapan ay “mas mabuti pang mabuwag.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte ‘jokes’ about abolishing CHR, meddling with Ombudsman probes)
Mga Pinagmulan
United Nations Human Rights Office of the High Commissioner, High Commissioner Bachelet calls on States to take strong action against inequalities, Mar. 6, 2019
PACC Commissioner Greco Belgica official Facebook page, Death Penalty to all corrupt officials! Ang corrupt dapat tinotokhang!,, April 19, 2018
Erwin Tulfo official YouTube channel, “DAPAT TALAGA ANG KURAP PINAPATAY” – COMM GRECO BELGICA, Nov. 13, 2018
MMDA General Manager Jojo Garcia
- Philstar.com, MMDA exec faces lecture for ‘tokhang’ joke, Dec. 7, 2017
- Rappler.com, MMDA official jokes about shooting ‘negative’ journalists, Dec. 7, 2017
- Inquirer.net, MMDA exec shoots ‘tokhang’ jibe against media, Dec. 7, 2018
Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go
- ABS-CBN News official Facebook page, “Kung kailangan nating patayin ang mga drug lord, tutulungan ka namin.”, Nov. 6, 2019
- Senate of the Philippines, Bong Go welcomes Robredo’s acceptance of drug czar post, Nov. 6, 2019
- CNN Philippines, Go calls out Robredo for not killing drug lords as anti-drug czar, Nov. 25, 2019
- Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go official website, BONG GO TO VP ROBREDO: PROTECT THE INNOCENT, KILL DRUG LORDS IF NECESSARY, Nov. 24, 2019
- Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go official website, BONG GO GRILLS CHR: “WHICH DO YOU VALUE MORE—THE LIVES OF INNOCENT FILIPINOS OR THE LIVES OF CRIMINALS?”, Nov. 18, 2019
- Official Gazette, 1987 Philippine Constitution
Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa
- CNN Philippines, Dela Rosa: Pres. has thought of everything to get rid of corruption, Dec. 2, 2018
- Senate of the Philippines, Senate Bill No. 226
- ABS-CBN News, ‘Wrong choice of words’: Dela Rosa apologizes for ‘s**t happens’ remark on toddler’s death | ANC, July 7, 2019
- Senator Ronald “Bato” Dela Rosa official Facebook page, Senator Bato Dela Rosa – Interview about VP Leni Robredo’s appointment as ICAD Co-Chair / Drug..,.Nov, 7, 2019
- Encyclopedia Brittanica, Nazi Anti-Semitism And The Holocaust
- Death of Kian Delos Santos
- Rappler, TIMELINE: Seeking justice for Kian delos Santos, Nov. 28, 2018
- BBC, Philippines drug war: Police guilty of murdering Kian Delos Santos, Nov. 29, 2018
- GMA News, THE KIAN DELOS SANTOS CASE, Nov. 29, 2018
- Death of Carl Arnaiz and Reynaldo De Guzman
- Rappler, PNP internal probe: Cops ‘intentionally killed’ Carl Arnaiz, Nov. 23, 2017
- Philstar.com, Cop in Carl Arnaiz slay hospitalized, April 10, 2019
- CNN Philippines, Duterte: Police to return to drug war if problem gets worse, Nov. 23, 2017
- Death of Mayor Reynaldo Parojinog
- Rappler, Ozamiz mayor Parojinog killed in police raid, July 30, 2017
- ABS-CBN News, Ozamiz mayor, 14 others killed in police raid, July 3, 2017
- Inquirer.net, Mayor Parojinog killed in Ozamiz raid; daughter arrested — police, July 30, 2017
- Death of Mayor Rolando Espinosa Sr
- ABS-CBN News, Albuera Mayor Espinosa shot dead inside jail cell, Nov. 5, 2016
- Rappler, Albuera Mayor Espinosa killed in jail operation, Nov.5, 2016
- Inquirer.net, NBI: Mayor Espinosa was murdered, defenseless, Dec. 6, 2016
- Appointment to the National Bilibid Prison
- Philstar.com, Corrections head Bato dela Rosa tells guards: ‘Be ready to kill’, May 8, 2018
- GMA News, Bato dela Rosa to prison guards: ‘Wag matakot pumatay ng drug lord, May 8, 2018
- Inquirer.net, Bato to NBP drug lords: I’m the boss, May 8, 2019
- Appointment as Philippine National Police chief
- Philstar.com, Bato sorry for remark on burning of drug lords’ houses, Aug. 27, 2016
- ABS-CBN News, Dela Rosa ‘sorry’ for drug lord kill orders, Aug. 26, 2016
- Inquirer.net, Dela Rosa apologizes for remark on burning drug lords’ houses, Aug. 26, 2017
- International Criminal Court, Rome Statute of the International Criminal Court
Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin
- Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin official Twitter account, I believe that the Drug Menace…, Aug, 21, 2019
- Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin official Twitter account, No. We need the baselines…, Dec. 12, 2019
- Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin official Twitter account,
- Drug dealing is not a religion…, Nov.9, 2019
- Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin official Twitter account, Sorry the bullets…, Oct. 7, 2019
- Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin official Twitter account, So much for Western Civilization.., Dec. 6, 2019
- Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin official Twitter account, Interesting…, Oct. 30, 2019
- United Nations, STATEMENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, High-Level Week General Debate 74th Session of the General Assembly, Sept. 28, 2019
- Department of Foreign Affairs, PH OFFICIALLY SERVES NOTICE TO UN OF DECISION TO WITHDRAW FROM ICC
- Department of Foreign Affairs, Statement of Philippine Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr. on the Adoption of the Iceland Resolution by the Human Rights Council, July 11, 2019
- International Criminal Court, ICC Statement on The Philippines’ notice of withdrawal: State participation in Rome Statute system essential to international rule of law, March 20, 2018
- CNN Philippines, The Source: Teddy Locsin, Oct. 6, 2016
- CNN Philippines, President Rodrigo Duterte reacted to a comment by critics likening him to Nazi Germany’s Adolf Hitler., Sept. 30, 2016
Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao
- Inquirer.net, Pacquiao wants those behind smuggled drugs executed by firing squad, Aug. 18, 2018
- Senate of the Philippines, Sen. Emmanuel D. Pacquiao: Privilege Speech | SBN 189: Death Penalty for Drug Trafficking & Manufacturing, Aug. 6, 2019
- ABS-CBN News, Headstart: ‘Wala namang drug lord na mahirap’: Pacquiao backs death penalty for drug lords, Jan.16, 2018
- GMA News, Senator Pacquiao ukol sa death penalty, July 23, 2019
- ABS-CBN News, Pacquiao: I support death penalty, lowering criminal age of liability, Feb. 20, 2019
- Senate of the Philippines, What a Mess: A Dumping Ground of Garbage and Drugs, May 29, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)