Ang paglubog ng isang bangkang pangingisda ng Pilipino at ang muntik na pagpapakawala sa isang dating mayor na nahatulan sa panggagahasa at pagpatay ay ilan sa mga isyu na gumawa ng mga headline sa ikatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katungkulan. Naging kontrobersyal ang mga ito dahil sa serye ng mga flip-flop at magkakasalungat na mga pahayag ng pangulo at ng kanyang mga tauhan.
Binalikan muli ng VERA Files Fact Check ang mga pangunahing isyu na bumulabog sa bansa noong 2019 at tinukoy ang lima kung saan sina Duterte at ang kanyang mga tauhan ay nabigong magbigay ng malinaw na kwento.
Sa tindi ng Recto Bank allision
Noong Hunyo 9, isang sasakyang pangdagat ng Tsino ang nagpalubog sa isang naka-angklang bangkang pangingisda ng Pilipino sa Recto Bank sa West Philippine Sea, na iniwanan ang 22 Pilipinong mangingisda sa gitna ng dagat. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang nagbabagong mga pahayag sa Recto Bank allision: isang timeline)
Ang insidente ay nagpasiklab ng galit ng publiko. Nang walang marinig mula kay Duterte sa loob ng isang buong linggo, sinubukan ng mga miyembro ng kanyang Gabinete na punan ang katahimikan, naglabas ng mga magkakasalungat na pahayag kaugnay ng kaselanan ng insidente, at kung ito ay sinadya o hindi.
Ang Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority, sa pinagsamang pagsisiyasat nito na inilabas pagkaraan ng halos isang buwan, ay inuri ang insidente bilang isang “napaka seryosong marine casualty.” Nabanggit din ng mga ahensya na ang barkong Tsino ay “nabigong gumawa ng nararapat na aksyon upang maiwasan ang panganib ng pagbangga at magbigay ng tulong sa sasakyang pandagat na nasa panganib.”
Kaugnay na mga fact check:
- Piñol mali sa pahayag na walang malaking isyu laban sa kanya bilang DA secretary
- Paghingi ng tawad ng asosasyong Tsino mali sa pagsasabi na ang Recto Bank ay teritoryo ng China
Sa pagpapatupad ng ‘verbal fish deal’ ng PH-China
Sa isang talumpati kasunod ng insidente sa karagatan noong Hunyo 9, sinabi ni Duterte na siya at si Chinese President Xi Jinping ay mayroong “mutual” deal: pinahihintulutan ang mga mangingisdang Tsino na gumana sa lugar ng Recto Bank – na sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas (EEZ) – habang ang mga Pilipino ay hahayaang mangisda sa Scarborough Shoal na kontrolado ng China.
Kasunod ng pahayag ni Duterte, sina Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay hindi nagkasundo kung ang pinagusapang kasunduan na pinasok ng pangulo ay may bisa.
Ang pagpapahintulot sa China o anumang iba pang mga dayuhan na mangingisda sa loob ng EEZ ng bansa ay labag sa 1987 Charter at dalawang iba pang lokal na batas. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pagpayag sa China na mangisada sa PH EEZ labag sa Konstitusyon, mga lokal na batas)
Kaugnay na mga fact check:
- Sotto mali sa pagsabi na ‘mahirap’ ipaglaban na pansarili lamang ang PH EEZ
- Ang nagbabagong paninindigan ng Palasyo sa pagpapahintulot sa China na mangingisda sa PH EEZ
Sa pagpapakawala kay ex-Mayor Sanchez dahil sa good conduct time allowance
Isang debate tungkol sa pagpapatupad ng good conduct time allowance law ang nangyari matapos kumpirmahin nina Justice Secretary Menardo Guevarra at noo’y Corrections chief Nicanor Faeldon noong huling bahagi ng Agosto na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ay kabilang sa mga makikinabang sa retroactive application nito.
Pagkalipas ng dalawang araw, sa gitna ng galit ng publiko, sinabi ng dalawa na ang kaso ni Sanchez – na nahatulan sa panggagahasa at pagpatay sa University of the Philippines-Los Baños na estudyanteng si Eileen Sarmenta at torture at pagpatay kay Allan Gomez, isa pang estudyante, bukod sa iba pang mga paglabag – ay sinusuri pa rin upang makita kung siya ay, sa katunayan, karapat-dapat na palayain.
Ang isyu ay mas binusisi sa isang imbestigasyon sa Senado, na nag-udyok sa mga mambabatas na tumawag ng pagsusuri ng batas, at napilitan ang pangulo na makialam upang sabihin na ang kasalukuyang GCTA law ay hindi kasama ang mga tulad ni Sanchez, na gumawa ng mga karumaldumal na krimen. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa good conduct time allowance (GCTA) para sa mga bilanggo: 4 na mga bagay na dapat mong malaman)
Kalaunan sinibak ni Duterte si Faeldon, na umamin sa imbestigasyon ng Senado sa paglagda sa “memorandum of release” ni Sanchez, at inutos ang muling pag aresto at pagsusuri sa mga kaso ng higit sa 1,700 na mga bilanggo na napalaya dahil sa GCTA.
Sa pagputol ng diplomatikong relasyon sa Iceland
Ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) noong Hulyo ay nagpatupad ng resolusyon na pinamunuan ng Iceland na nagpahayag ng “pag-aalala” sa mga alegasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa, kasama ang “pagpatay sa libu-libong mga tao na sinasabing kasangkot sa drug trade at paggamit ng droga.“
Nagdulot ito ng magkakasalungat na pahayag sa pagitan ng pangulo, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Salvador Panelo, at kalihim ng Foreign Affairs na si Teodoro Locsin Jr. sa kung ang Pilipinas ay puputulin ang diplomatikong relasyon sa bansang Nordic.
Noong Setyembre, kinumpirma ng Palasyo na ipinag-utos ni Duterte sa kanyang gobyerno na huwag tanggapin ang tulong pinansiyal mula sa Iceland at 17 iba pang mga bansa na bumoto ng pabor sa resolusyon.
Kaugnay na fact check:
Sa access ni Robredo sa drug war records
Wala pang tatlong linggo matapos niyang tanggapin ang kanyang appointment bilang co-chair ng anti-illegal drug efforts ng bansa, si Vi e President Leni Robredo ay sinibak ni Duterte dahil sa sinasabing “maraming mga maling hakbang.”
Sa isang talumpati matapos umalis sa puwesto, sinabi ni Robredo na maglalabas siya ng isang ulat na naglalaman ng kanyang “mga natuklasan” sa 19 na araw bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), kasama ang kanyang mga rekomendasyon.
Pansamantalang isinantabi ni Panelo ang pahayag ni Robredo at iginiit na, unang una, walang “lihim” na itinago sa bise presidente. Ito ay pinasinungalingan ni Duterte na nagsabing si Robredo ay nasa “need to know” status lamang. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Panelo itinanggi si Duterte, ngayon sinabi na ‘access sa lahat’ sa ICAD si Robredo)
Bilang Bise Presidente, si Robredo ay miyembro ng National Security Council, na nagpapahintulot sa kanya na ma-access ang classified na impormasyon. Ang bise presidente ay bahagi ng executive committee ng konseho, na sumusuri ng “pambansang mga isyu at alalahanin” at bumubuo ng “mga posisyon at solusyon para sa pagsasaalang-alang ng NSC,” na siya namang nagpapayo sa pangulo.
Kaugnay na mga fact check:
- Robredo kinontra ang LP spox; tinanggap ng alok na pangunahan ang kumpara laban sa droga
- Panelo iniba ang dahilan sa pagbabawal kay Robredo na pumunta sa pagpupulong ng gabinete noong 2016
- Panelo bumaligtad tungkol sa meeting ni Robredo sa mga opisyal ng US, UN
Mga Pinagmulan
Sa Recto Bank allision
- Inquirer.net, PCG-Marina report: China vessel took no steps to avoid hitting PH boat, July 6, 2019
- CNN Philippines, Coast Guard-Marina report: China ‘failed’ to take action to avoid Recto Bank collision, July 6, 2019
- Rappler.com, Final PCG-Marina report: Chinese ship failed to avoid sea collision, July 6, 2019
- Delfin Lorenzana official Twitter account, Statement on the collision of a suspected Chinese and Filipino fishing vessels (sic) near Recto Bank, June 12, 2019
- Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, Chinese vessel sinks Philippine boat in Recto Bank, June 12, 2019
- Office of the Presidential Spokesperson official Facebook page, On the vessel collision in the West Philippine Sea, June 13, 2019
- ABS-CBN News, ‘The ship was rammed’: PH Navy chief says Reed Bank incident not normal, June 14, 2019
- Rappler.com, ‘Daplis lang’: Duterte’s Energy Secretary downplays PH boat sinking, June 16, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, June 17, 2019
- RTVMalacanang, 121st Philippine Navy Anniversary (Speech), June 17, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, June 18, 2019
- Rappler.com, Lorenzana: PH boat ramming ‘just an accident’, June 19, 2019
Sa PH-China verbal fish deal
- Official Gazette, 1987 Constitution
- Official Gazette, Republic Act 8550
- Official Gazette, Republic Act 9522
- RTVMalacanang, 122nd Presidential Security Group (PSG) Anniversary (Speech), June 26, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, July 1, 2019
- ABS-CBN News, Locsin: Duterte’s deal with China on fishing ‘not policy,’ July 2, 2019
- Inquirer.net, Nograles: Duterte-Xi verbal fishing deal just an ‘agreement to agree,’ July 3, 2019
- GMA News Online, Locsin: Duterte-Xi verbal fishing agreement cannot be enforced, July 3, 2019
- Rappler.com, Nograles: Despite ‘verbal deal’ with China, PH must still enforce laws, July 3, 2019
- Philstar.com, Palace insists on Duterte’s stand on ‘legally binding’ fishing deal, July 4, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, July 4, 2019
Sa GCTA
- Official Gazette, Republic Act 10592
- Inquirer.net, Faeldon now admits authority over Sanchez’ release order, Sept. 2, 2019
- CNN Philipines, Panelo denies hand in looming release of ex-mayor convicted of students’ murder, rape, Aug. 21, 2019
- Rappler.com, TIMELINE: DOJ backtracks on possible early release of Antonio Sanchez, Aug. 23, 2019
- Manila Times, Convicted ex-Laguna mayor Sanchez may be free man soon — Guevarra, Aug. 20, 2019
- ABS-CBN News, Ex-Calauan mayor Sanchez, convicted for 1993 rape and murder, set for release, Aug. 20, 2019
- Philstar.com, Panelo itinagging may kinalaman sa posibleng paglaya ng convicted rapist, Aug. 21, 2019
- Inquirer.net, Panelo denies hand in early release of former mayor in rape-slay case, Aug. 21, 2019
- Philippine News Agency, Panelo denies hand in ex-mayor Sanchez’ release, Aug. 21, 2019
- Inquirer.net, BuCor chief: Sanchez ‘may not be qualified to go home’ yet, Aug. 22, 2019
- Philstar.com, Ex-mayor Sanchez malabong makalaya, Aug. 23, 2019
- CNN Philippines, Justice chief: ‘No truth’ to reports on ex-mayor Sanchez’ release, Aug. 22, 2019
- Office of the Presidential Spokesperson official Facebook page, On Republic Act 10592, Aug. 23, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Press Conference of President Rodrigo Roa Duterte, Sept. 4, 2019
Sa Iceland
- Un.org, Promotion and protection of human rights in the Philippines (A/HRC/41/L.20), July 5, 2019
- Inquirer.net, Duterte order shuns all loans, grants, aid from 18 countries backing probe of PH killings, Sept. 20, 2019
- Reuters, Philippines’ Duterte orders shunning of loans, grants from backers of U.N. drug war probe, Sept. 20, 2019
- BusinessWorld, Duterte shuns aid over UN probe of drug war, Sept. 23, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, July 15, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Orly Mercado (DWFM – All Ready), July 16, 2019
- Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, UNHRC vote is a small and harmless matter, July 16, 2019
Sa ICAD stint ni Robredo
- Leni Robredo official Facebook page, PANOORIN: Pahayag ng Pangalawang Pangulo, Sept. 25, 2019
- Official Gazette, Executive Order 34, Sept. 17, 2001
- Presidential Communications Operations Office, Media Interview of President Rodrigo Roa Duterte, Nov. 19, 2019
- Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, Nov. 28, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)