Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mocha Uson mali sa pahiwatig na si Duterte ang pinakahusay na lider sa ASEAN

Ipinahiwatig ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Margaux "Mocha" Uson na si Pangulong Rodrigo Duterte ang "pinakamahusay" sa mga pinuno ng Southeast Asia matapos na mabigyan ng number 10 na football jersey ng Federation Internationale de Football Association (FIFA) sa Thailand noong Nob. 2.

By VERA Files

Nov 5, 2019

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ipinahiwatig ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Margaux “Mocha” Uson na si Pangulong Rodrigo Duterte ang “pinakamahusay” sa mga pinuno ng Southeast Asia matapos na mabigyan ng number 10 na football jersey ng Federation Internationale de Football Association (FIFA) sa Thailand noong Nob. 2.

Si Duterte at siyam na iba pang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay tumanggap ng mga espesyal na jersey mula sa FIFA bilang bahagi ng layunin nitong maisulong ang football sa rehiyon.

PAHAYAG

Noong Nob. 3, nag-post si Uson ng isang infographic sa kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog na nagpakita kay Duterte katabi ang mga kilalang manlalaro ng football na sina Diego Maradona, Lionel Messi, at Neymar de Silva Santos Jr. na may caption na:

“ALAM NYO BA? Sa larong football, ang shirt number 10 ay ibinibigay lamang sa mga playmaker o best player ng team?”

Pinagmulan: Mocha Uson opisyal na Facebook page, Astig tlga ni Tatay Digong, Nob. 4, 2019

Sa ilang netizens, ito ay nangangahulugang si Duterte ay “kinilalang isa sa BEST LEADER (sic) SA mga BANSA ng ASEAN,” tulad ng sinabi ng isa sa mga pinaka-nauugnay na komento ng post, na may higit sa 400 reaksyon.

Mula noon ang post na ito ay nakakuha ng higit sa 36,000 interactions at 4,000 shares, at inaasahang umabot sa hindi bababa sa 5.8 milyong tao.

ANG KATOTOHANAN

Bagaman totoo na sina Maradona at Messi ng Argentina, at Neymar Jr. ng Brazil ay nagsuot ng number 10 jersey, si Duterte ay binigyan ng may parehong numero dahil sa kanyang katayuan bilang pangulo.

Ayon sa isang press release na nai-post sa website ng ASEAN Thailand National Secretariat:

The President of FIFA reiterated FIFA’s readiness to work closely with ASEAN and…present football jerseys to each ASEAN Leader, bearing the Leader’s name and a designated number. Number 10 was presented to Heads of State and Presidents while Heads of Government received a jersey with the number 9

(Inulit ng Pangulo ng FIFA ang pagiging handa ng FIFA na makipagtulungan sa ASEAN at…binigyan ng mga jersey ng football ang bawat lider ng ASEAN, na may pangalan ng lider at itinalagang numero. Ang number 10 ay ibinigay sa Heads of State at Pangulo samantalang ang Heads of Government ay tumanggap ng jersey number 9.”

Pinagmulan: ASEAN Thailand 2019, Signing of the Memorandum of Understanding between ASEAN and FIFA, Nob. 2, 2019

Hindi lamang si Duterte ang pinuno na nakatanggap ng number 10 jersey. Si Brunei Sultan Hassanal Bolkiah ay binigyan din ng jersey na may parehong numero, na nagpapahiwatig ng kanyang katayuan bilang head of state.

Pitong pinuno ang nakatanggap ng number 9 jerseys — Malaysian Prime Minister (PM) Mahathir Mohamad, Thailand PM Prayut Chan-O-Cha, Vietnam PM Nguyen Xuan Phuc, Singapore PM Lee Hsien Loong, Laos PM Thongloun Sisoulith, Cambodia PM Hun Sen, at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.

Nakakuha ng special number 21 jersey si Indonesian President Joko Widodo dahil Jakarta ang magiging host ng FIFA Under-20 World Cup sa 2021.

Si Uson, dating assistant communications secretary, ay may rekord ng paggawa ng maling mga pahayag at pagkakalat ng pekeng impormasyon. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: A trail of false claims made and fake news shared by Mocha Uson)

BACKSTORY

Ang mga numero ng squad ng football ay kadalasang mula sa one hanggang 11, at itinatalaga ayon sa posisyon ng mga manlalaro. Ang goalkeepers ay nagsusuot ng No. 1, habang ang mga defender ay binibigyan ng “sunod na pinakamababang mga numero, at ang mga forward…ang pinakamalaking mga numero” o 10 at 11, ayon sa artikulo ng Business Insider noong 2014.

Habang ang “shape ng mga formation ay nagbago” sa mga nakaraang taon, ang mga numero ay “sumunod sa ilang mga pattern,” na nakaapekto sa kanilang “positional meaning,” iniulat ng Dallas Morning News noong 2017.

Ang number 10 ay naging karaniwang nauugnay sa “playmaker” ng koponan o ang manlalaro na ang “pangunahing trabaho ay ayusin at kontrolin ang pag-atake sa laro ng koponan.”

 

Mga Pinagmulan

Mocha Uson official Facebook page, Astig tlga ni Tatay Digong, Nov. 4, 2019

ASEAN Thailand 2019, Signing of the Memorandum of Understanding between ASEAN and FIFA, Nov. 2, 2019

Philstar.com, FIFA gave Duterte a number 10 ‘captain’ jersey. He’s not the only one, Nov. 4, 2019

Manila Bulletin, ASEAN leaders get football jerseys as souvenirs, Nov. 4, 2019

Tempo, Duterte gets a souvenir football jersey at ASEAN summit, Nov. 3, 2019

Millar, M. (2012). The Secret Lives of Numbers: The Curious Truth Behind Everyday Digits, Random House

Business Insider, Why So Many Of The World’s Greatest Soccer Players Wear # 10, June 21, 2014

The Dallas Morning News, 20 Years: Why Soccer Numbers Matter, Dec. 8, 2017

Yahoo Sports, Mystery solved: Why do the best soccer players wear No. 10?, June 21, 2014

Cambridge Dictionary, Playmaker

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.