VERA FILES FACT CHECK: Sen. Robin Padilla isa sa nagkalat ng MISLEADING na litrato ng Duterte retirement sa bahay sa Davao
Ilang Facebook (FB) pages at grupo, kabilang ang opisyal na account ni Sen. Robin Padilla, ang nagpasa ng litratong nagpapakita kay dating pangulong Rodrigo Duterte na nagre-relax sa labas ng kanyang tahanan sa Davao City, pagkatapos umano bumaba sa puwesto noong Hunyo 30. Ito ay nakaliligaw.