Skip to content

Try

post thumbnail

‘Duterte Panagutin’

‘Yan ang sigaw ng mga kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings noong ipinatupad ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang madugong war on drugs o giyera laban sa droga, habang hinihintay nila ang confirmation hearings sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

By Bullit Marquez

Feb 23, 2026

1-minute read

Share This Article

:
Bullit's Eye_Panagutin si Duterte
previous arrow
next arrow

‘Yan ang sigaw ng mga kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings noong ipinatupad ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang madugong war on drugs o giyera laban sa droga, habang hinihintay nila ang confirmation hearings sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Sa talaan ng pamahalaan, 6,000 Filipino ang namatay sa war on drugs, ngunit sabi ng human rights groups, umabot sa 30,000 ang walang pakundangang pinatay na hindi man lamang nakasuhan sa korte.

Ang mga protesta para sa hustisya sa mga biktima ng EJK ay ginanap kabilang sa paggunita ng ika-40 taong anibersaryo ng EDSA People Power nang pinatalsik ng milyong-milyong Filipino sa pamamagitan ng hindi madugong protesta ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at ang kanyang pamilya, kasama ang kasalukuyang pangulo na si Ferdinand Marcos Jr., noong Peb. 25, 1986.

Mga larawan at bidyo ni Bullit Marquez para sa VERA Files.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.