Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Duterte nag-flip-flop ulit tungkol kay Marcos, status ng ‘opposition’

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ang Partido Demokratiko Pilipino ay hindi sa oposisyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Limang minuto matapos ang naunang pahayag, sinabi ni Duterte na nananatili sa oposisyon ang PDP matapos lumipat ng alyansa ang ibang partidong pampulitika sa administrasyong Marcos.

By VERA Files

Oct 3, 2024

1-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sa loob ng limang minuto, kinontra ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sarili sa pagsasabing ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ay kabilang sa oposisyon sa kasalukuyang administrasyon at pagiging hindi naman oposisyon.

Ang mga kasalukuyang senador at kongresista, na nanatiling kasapi sa PDP mula noong 2022 na halalan, ay kabilang sa mga majority bloc sa Senado at House of Representatives.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.