Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI kinulong si Hontiveros nang dahil sa panunuhol sa isang testigo

WHAT WAS CLAIMED

Kinulong si Sen. Risa Hontiveros nang dahil sa panunuhol sa isang Senate witness para tumestigo laban kay Apollo Quiboloy

OUR VERDICT

Mali:

Walang utos o hatol ang kahit anong korte para arestuhin si Hontiveros.

By VERA FILES

Jul 4, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May YouTube video na nagsasabing kinulong si Sen. Risa Hontiveros nang dahil sa panunuhol sa isang Senate witness para tumestigo laban kay Apollo Quiboloy. Hindi ito totoo.

Walang utos o hatol ang kahit anong korte para arestuhin si Hontiveros.

Ini-upload noong June 25, ang video ay may pamagat na:

“KAKAPASOK LANG! 1 MILYON BINAYAD NI RIZA ! DINALA AKO SA CONDO NI RIZA PEKENG TESTIGO NI RIZA!”

At may thumbnail na:

“RIZA MAKUKULONG? TINATAKOT AKO NI RIZA? 1 MILYON BINAYAD! LALAYA NA SI QUIBOLOY!

Ipinakikita ng video ang pagbubunyag daw ng testigong si Michael “Rene” Maurillo, na sinasabing binayaran daw siya ni Hontiveros para tumestigo laban kina Quiboloy at mga Duterte.

Noon ding June 25 ay pinasinungalingan agad ni Hontiveros ang pinakakalat na video. Sinabi niyang may ebidensiya ang opisina niya na pinilit o binayaran si Maurillo para guluhin ang patuloy na imbestigasyon laban kay Quiboloy:

“Our office has mountains of evidence to prove that the individual made-up claims. All witnesses presented during the Quiboloy Senate hearings freely and voluntarily offered their testimonies and the evidence they carried.”

(May gabundok na ebidensiya ang opisina namin para patunayang inimbento lang ni Maurillo ang mga sinabi niya. Lahat ng mga testigo noong pagdinig sa Senado ay walang bayad at kusang tumestigo at nagdala ng ebidensiya.)

Nagsampa si Hontiveros ng cyberlibel complaint sa National Bureau of Investigation nito lang Miyerkules laban kay Murillo at iba pang mga taong nagkakalat ng video na may maling impormasyon.

Ang video ay pinakalat pagtapos mapatunayan ng korte sa Amerika na ang finance officer ni Quiboloy ay nameke ng visa at iba pang papeles para mangibang-bansa.

Ini-upload ng YouTube channel na REACTION TV PH (ginawa noong Oct. 27, 2020), ang video ay may lagpas 241,000 views at 13,100 engagements.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.