Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI konektado sa NPA ang mga progresibong partidong tumatakbo para sa kongreso

WHAT WAS CLAIMED

Ang mga progresibong partido ay “NPA (New People’s Army) partylist”

OUR VERDICT

Mali:

Ayon sa batas, ang mga organisadong grupo ay hindi pwedeng maging rehistradong partido kung sila ay nagsusulong ng karahasan.

By VERA FILES

May 11, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May Facebook video na nagsasabing ang mga progresibong partido ay “NPA (New People’s Army) partylist” at hindi dapat iboto. Hindi totoong NPA ang mga progresibong partido. Ayon sa batas, ang mga organisadong grupo ay hindi pwedeng maging rehistradong partido kung sila ay nagsusulong ng karahasan.

Ini-upload noong April 30 ang video na nagsasabing:

“PAALALA, wag IBOTO ang mga ito: Bayan Muna, Anak Bayan, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, Piston, Kadamay, Katribu, Migrante, ‘Magasaka’, Kalikasan, League of Filipino Students, Kilusang Mayo Uno, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Kalumihan, Pasaka, Partido Manggagawa, Aksyon Health Workers, ACT-Teachers, Courage, Karapatan, at Alyansa ng Maralitang Pilipino.”

Sa mga partidong ito, Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, at ACT Teachers lang ang tumatakbo para sa kongreso ngayong eleksyon sa May 12.

 

Walang koneksyon sa New People’s Army ang mga progresibong party-list na kabilang sa Makabayan bloc. Bawal magparehistro bilang party-list ang isang grupong nagsusulong ng paggamit ng dahas para makamit ang kanilang adhikain.

Ang mga rehistradong partidong ito ay tumatakbo sa ilalim ng Makabayan Bloc.

Ayon sa Section 6 (2) ng Republic Act 7941 o Party-List System Act, ang registration ng isang partido ay pwedeng tanggihan o tanggalin kung sila ay nagsusulong ng karahasan o ilegal na mga paraan para abutin ang kanilang mga layunin.

NPA ang armadong kilusan ng Communist Party of the Philippines, na parehong ilegal na grupo.

Ang “Kalumihan” at “Magasaka” ay hindi totoong mga partido. Magsasaka ang tamang pagkakasulat ng isang progresibong partido.

Napasinungalingan na rin ng VERA Files ang kagayang post na kumalat naman bago ang eleksyon noong 2022.

Ang Facebook page na Duterte (ginawa noong March 27, 2025) ay may 27,000 followers. Ang video ay may higit 2,000 engagements.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.