Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Kampo ni Duterte bumaligtad sa pagkansela ng rally sa Tacloban

WHAT WAS CLAIMED

Inakusahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang administrasyong Marcos ng “pagpigil” sa pagdaraos ng prayer rally noong Mayo 25 sa Tacloban City, at binatikos ang “patakaran nito ng pagpigil sa pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon.”

OUR VERDICT

Flip-flop:

Ang TAPS Coalition, organizer ng Tacloban leg ng Maisug rally, ay nagsabi sa Facebook page nito noong Mayo 24 na nagkaroon ng mga problema sa pagkilos dahil sa Bagyong Aghon, na nag-udyok sa kanila na kanselahin ang pagtitipon.

By VERA Files

Jun 18, 2024

3-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Inakusahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang administrasyong Marcos ng “pagpigil” sa Hakbang ng Maisug prayer rally noong Mayo 25 sa Tacloban City casaba ng pagpuna sa “patakaran nito ng pagpigil sa mapayapang pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon.” Taliwas ito sa pahayag ng organizers na nakansela ang rally dahil sa sama ng panahon bunsod ng Bagyong Aghon.

PAHAYAG

Sa isang bukas na liham na may petsang Mayo 25, sinabi ni Duterte:

“As part of the Marcos administration’s policy of stifling peaceful dissent, they are doing everything to prevent this rally from happening.

(“Bilang bahagi ng patakaran ng administrasyong Marcos na pigilan ang mapayapang pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon, ginagawa nila ang lahat para maiwasang mangyari ang rally na ito.”)

 

Pinagmulan: Atty. Vic Rodriguez’s Facebook page, LIHAM MULA SA PUNONG MAISUG ?? (archived), Mayo 25, 2024

Kumalat online ang mga kopya ng sulat sa parehong araw na itinakda ang Maisug rally sa Remedios Trinidad Romualdez (RTR) Plaza sa Tacloban City, ang baluarte ng ina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating unang ginang Imelda Romualdez Marcos.

Ang dating executive secretary ni Marcos na naging kritikal sa administrasyon at ngayon ay kaalyado na ni Duterte, si Vic Rodriguez ang nagbahagi ng kopya ng sulat sa kanyang Facebook page. Kinumpirma ni Duterte spokesperson Lorraine Badoy ang pagiging tunay ng sulat sa panayam ng The Manila Times.

Rodrigo Duterte

ANG KATOTOHANAN

Sinabi ng TAPS Coalition, organizer ng Maisug rally sa Tacloban, sa kanilang Facebook page noong Mayo 24 na ang mga problema sa pagkilos dahil sa Bagyong Aghon ang nag-udyok sa kanila na kanselahin ang pagtitipon. Transparency, Accountability, Peace and Security ang ibig sabihin ng TAPS. Nakasaad sa Facebook post nito:

Dahil sa sama ng panahon dulot ng (Tropical Depression) bagyong Aghon na umaapekto sa maraming lugar (signal #1 kasama ang Tacloban City) walang mga sasakyang pandagat at ilang sasakyang panghimpapawid ang pinapahintulutang bumiyahe. Dahil dito di makakarating ang ating mga panauhing pandangal. Dagdag pa, maapektuhan din ang partisipasyon ng mga mamamayan sa planong Prayer for Peace Rally sa Tacloban city. Kaugnay nito, napipilitan po tayong kanselahin ang ating pagkilos bukas.

 

Pinagmulan: TAPS Coalition (opisyal), Official Advisory, Mayo 24, 2025

Sa isang panayam sa radyo noong Mayo 28, sinabi ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na ang kanyang mga nasasakupan ay nagsasagawa ng Pista ng Sto. Niño at hindi nila gusto ang mga kalapastanganan at “bastos” na mga protesta gaya ng sa mga rali ng Maisug.

Sinabi ni Romualdez na ang kampo ni Duterte ay dapat na tumutok na lamang sa ibang mga isyu dahil hindi malulutas ng kanilang mga protesta ang mga problema. Ang alkalde ay pinsan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nasangkot sa hidwaan sa anak ni Duterte na si Vice President Sara Duterte. Ang mag Romualdez ay magpipinsan sa ina ng pangulo.

Pinabulaanan ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, isang matibay na kaalyado ni Romualdez sa House of Representatives, ang mga kritisismo ni Duterte sa administrasyong Marcos. Aniya, hindi nakakuha ng permit ang mga organizer ng rally at humiling lamang ng permiso na gamitin ang RTR Plaza. Binanggit din niya na sa parehong petsa na nakatakda ang rally, isa pang grupo ang nagpareserba ng venue noong Mayo 10 pa para sa isang roadshow na nangangailangan ng pagdala ng heavy equipment doon.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.