Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: LTFRB nag flip-flop sa extension ng konsolidasyon ng PUV

WHAT WAS CLAIMED

Pinalawig ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board ang deadline para sa consolidation ng prangkisa para sa mga driver at operator ng public utility vehicle hanggang Nob. 29.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III na ang April 30 na deadline para sa franchise consolidation ang pinakahuling extension.

By VERA Files

Oct 24, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Matapos igiit na noong Abril 30 ang pinal na extension ng franchise consolidation para sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUV) sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP), pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline ng consolidation muli hanggang Nob. 29.

PAHAYAG

Sa panayam sa Radyo DZBB noong Okt. 17, sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III:

“I only gave them 45 days. Alinsunod din ho kasi ito sa request ng Senado nong nagpasa ho sila nong una ng resolusyon na sinasabing i-defer po namin. Ang concession ko sa kanila, bubuksan [the consolidation] ko po muli pero 45 days lang.”

(“45 days lang ang binigay ko sa kanila. Alinsunod din ho kasi ito sa hiling ng Senado nong nagpasa ho sila nong una ng resolusyon na sinasabing ipagpaliban po namin. Ang konsesyon ko sa kanila, bubuksan [ang consolidation] ko po muli pero 45 araw lang.”)

Pinagmulan: Saksi Sa Dobol B | Oktubre 17, 2024, Okt. 17, 2024, panoorin mula 46:51 hanggang 47:10

FLIP-FLOP

Noong Agosto 6, idineklara ni Guadiz na hindi na palalawigin ang deadline ng franchise consolidation. “Walang magiging extension. Tinapos na ito ng pangulo,” sinabi niya na sinipi sa mga balita.

FACT CHECK: LTFRB nag flip-flop sa extension ng konsolidasyon ng PUV

Noong Abril, tinanggihan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panawagan para sa pagpapalawig ng deadline. “Asahan ninyo, wala na pong extension ‘yung modernization. Kailangan na kailangan natin ‘yan,” sinabi niya sa Bagong Pilipinas town hall meeting tungkol sa mga alalahanin sa trapiko in San Juan City on Abril 10.

Nauna nang itinakda ng LTFRB ang deadline noong Dis. 31 noong nakaraang taon, pinalawig ito hanggang Enero 31, at muli hanggang Abril 30.

“Kung titingnan natin ang mga bilang na natitira na pwedeng mag-consolidate pero ayaw, mga 5% (ng PUV units),” sabi ni Transportation Undersecretary Jesus Ferdinand Ortega sa isang press briefing noong Set. 23.

“Kailangan talagang mag-consolidate,” idinagdag niya. “Hindi na mapag-usapan pa dahil ‘yun ‘yung…malaking porsyento ng ating programa.”

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.