FACT CHECK: Pahayag ni Barbers tungkol sa bilang ng napatay sa anti-drug campaign ni Marcos HINDI TUMPAK
Hindi tumpak ang pahayag ni House Rep. Robert Ace Barbers na 73 lamang ang napatay sa mga drug-related police operations sa una at kalahating taon ng Marcos administration.
Sa ika-10 na pagdinig ng quad committee ng House of Representatives noong Nob. 7, sinabi ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng komite, na mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2023, 73 lamang ang napatay sa legitimate anti-drug police operations.
Kasabay ng pahayag na ito ay ang pag-flash ng isang slide presentation kung saan naka-credit sa isang VERA Files article ang nasabing numero. Hindi ito tumpak.