Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Pahayag ni Bong Go sa ‘hindi pumapayag’ si Duterte sa mga ilegal na aktibidad nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Si dating pangulong Rodrigo Duterte ay “laging kontra sa mga ilegal na aktibidad.”

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Bagama’t wala pang hukuman na naghatol ng guilty kay Duterte sa pagkakasangkot sa mga ilegal na aktibidad, ang kanyang pangalan ay binanggit sa ilang patuloy na pagsisiyasat sa mga labag sa batas na gawain sa panahon ng kanyang mga termino bilang mayor ng Davao City at bilang pangulo ng bansa.

By VERA Files

Sep 25, 2024

3-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Ang pagdistansya kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong nauugnay sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), sinabi ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa pagdinig sa Senado na si Duterte ay “laging kontra sa mga ilegal na aktibidad.” Ito ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Sa kanyang pangwakas na pananalita sa pagdinig noong Set. 9 ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa POGOs, sinabi ni Go na matagal na niyang kilala ang dating pangulo, kasama na ang pagka-ayaw nito sa mga ilegal na aktibidad kahit noong si Duterte ay mayor ng Davao City.

Sabi ng senador:

“Hindi talaga pumapayag ng ilegal [na gawain] ‘yon. Noong mayor siya, binalaan niya nga mismo ‘yung parating nali-link sa kanya na si Michael Yang sa Davao.”

Pinagmulan: Senate of the Philippines, Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality (September 9, 2024), Set. 9, 2024, panoorin mula 5:19:54 hanggang 5:20:04

Idinagdag niya:

Sinabihan niya ‘yan, ‘pag nag-negosyo ka ng ilegal dito, ibabaon kita nang buhay dito. Ibig sabihin, ayaw niya po ng ilegal… si dating pangulong Duterte. Lalo na noong naging presidente po siya, ayaw niya ng ilegal sa kanyang pamumuno.”

Pinagmulan: panoorin mula 5:20:17 hanggang 5:20:33

ANG KATOTOHANAN

Bagama’t wala pang korte na naghatol ng guilty kay Duterte dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na aktibidad, binanggit ang kanyang pangalan sa ilang patuloy na imbestigasyon tungkol sa mga labag sa batas na gawain sa panahon ng kanyang termino bilang mayor ng Davao City at bilang pangulo ng bansa.

VERA Files Fact Check - Ang Totoo: Bagama't wala pang korte na naghatol ng guilty kay Duterte dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na aktibidad, binanggit ang kanyang pangalan sa ilang patuloy na imbestigasyon tungkol sa mga labag sa batas na gawain sa panahon ng kanyang termino bilang mayor ng Davao City at bilang pangulo ng bansa.

Kinilala ni dating Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato at dating pinuno nitong si Arturo Lascañas na si Duterte ang nag-utos ng pagpatay sa mga hinihinalang kriminal at mga kaaway nito noong mayor pa siya ng Davao City.

Noong naging presidente si Duterte at naglunsad ng kampanya laban sa ilegal na droga, ang pera mula sa mga POGO ay ginamit umano para pondohan ang reward system para sa pagpatay sa mga hinihinalang gumagamit ng droga, ayon kay Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido.

Tumestigo si Espenido sa pagdinig ng House quad-committee noong Agosto 28 sa mga posibleng ugnayan ng mga ilegal na POGO, ilegal na droga at extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ang pagsisiyasat ng International Criminal Court ay sumasaklaw sa mga umano’y extrajudicial killings ng DDS mula Nobyembre 2011 hanggang Hunyo 2016, at ang mga naganap sa ilalim ng digmaan laban sa droga ng administrasyong Duterte mula Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 16, 2019.

BACKSTORY

Kinilala ng Republic Act 11590, na nilagdaan ni Duterte bilang batas noong Set. 22, 2021, ang pagiging lehitimo ng offshore online gambling at nagpataw ng buwis sa mga POGO.

Apat na taon bago umiral ang batas, naglabas si Duterte ng Executive Order No. 13 noong Peb. 2, 2017, na naglalayong palakasin ang pagsisikap ng kanyang administrasyon laban sa ilegal na pagsusugal at linawin ang hurisdiksyon at awtoridad ng mga kinauukulang ahensya sa regulasyon at paglilisensya ng mga pasilidad ng pagsusugal at online gaming.

Kinuwestiyon ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang nasabing kautusan, at sinabing ito ay “nagbigay buhay sa online gambling,” at nilusutan ang batas na lumikha ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, ang regulatory authority sa pagsusugal sa bansa.

Check out these sources

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.