
Kian delos Santos, “santo” na raw? Influence operations ang nasa likod nito!
Habang patuloy ang pagdinig sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, naglipana naman sa Facebook ang mga imbentong naratibo na santo na raw ang naturang 17-anyos na biktima ng extrajudicial killings noong panahon ng drug war.
Mula Dis. 1, 2025 hanggang Peb. 15, 2026, ginalugad ng VERA Files ang FB at nakakita ng 151 posts na naglalaman ng ganitong mga naratibo. May mga post na nagsasabing santo na umano ang binata, habang ang ilan ay nagsasabing hindi pa siya sumasailalim sa proseso.
Ang mga post na ito ay naka-angkla sa disimpormasyon. May itinayo mang memorial para kay Kian sa Caloocan noong 2018 at Museo ng Paghilom exhibit sa Senado nitong Enero, walang sinabi ang simbahang Katoliko na may planong gawing santo ang binata.
Sa pananaliksik ng VERA Files, nakita na may ilang mga “inauthentic news pages,” o mga FB pages na nagpapanggap na lehitimong mga media organization, na nagpakalat ng mga ganitong naratibo. Gumamit sila ng mga teknik sa influence operations tulad ng ragebaiting, copypasta caption at headline, at mga larawang gawa sa artificial intelligence. Ni-repost at ni-repurpose din ng iba pang mga FB pages at users ang mga content mula sa inauthentic news pages na ito.
Alamin kung ano ang influence operations at paano nito nililihis ang mga Pilipino sa tunay na isyu at binabaluktot ang katotohanan sa kaso ni Kian at iba pang mga biktima ng EJK. With reports from Rhoanne de Guzman
Panoorin ang ulat ng VERA Files:
Music credit: Suspicious News/Investigative Journalism by Ney
This story was published with the support of the Internews Indo-Pacific Media Resilience Program or IPMR.