May naganap na hindi karaniwang pangyayari nitong Lunes, Mayo 1.
Nagsanib pwersa ang mga grupo ng militanteng manggagawa at ‘yung mga may simpatiya sa mga kapitalista para palakasin ang sigaw nila sa pamahalaan at sa publiko na pakinggan ang kanilang mga hinaing, kasama na ang kahilingan para sa pagtaas ng sweldo at pagbaba ang presyo ng mga bilihin.
Nagmartsa ang mga manggagawa patungong Mendiola, malapit sa Malacañang. Tumuloy sila sa U.S. Embassy kung saan iwinagayway nila ang kanilang mga plakard na may mensahe ng pagkontra sa pakikialam ng Amerika at China sa Pilipinas.
Binatikos nila ang kasalukuyang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington D.C. at pakikipagpulong kay U.S. President Joe Biden na umano’y “magpapatibay ng neo-colonial na hawak ng Amerika sa Pilipinas. “
Itinakdang International Workers Day ang Mayo Uno bilang pagpupugay sa mga manggagawa sa buong mundo. Mga litrato ni BULLIT MARQUEZ para sa VERA Files.