May ilang alternatibong paraan na ginawa ang ilang negosyante para makatipid sa pagpapatupad ng Child Safety In Motor Vehicles act nang hindi gumagastos nang malaki.
Nilagdaan nitong 2019 ang batas, na magre-require umano sa mga car owners na nagdadala ng bata na maglagay ng child restraining systems.
Nagkaroon nga lang ng agam-agam ang ilang motorista sa malaking gastos sa pagbili ng CRS, na tinatayang nasa P3,000.
Ang online seller na si Jin Chavez, nagsimula ng online shop ng mga secondhand na CRS.
“Practicality-wise mas maganda kung second-hand. Hindi lang siya half eh, nasa 70 to 80 percent ang matitipid mo,” ani Chavez.
Galing sa Japan, Korea, at United Kingdom ang kanilang stock. Kumpleto rin sila ng mga klase ng CRS para sa iba’t ibang edad ng bata.
Nagsimula na rin ang mga online rental business para sa mga CRS.
Sa isang online shop, makakahiram sa halagang P1,000 hanggang P2,000 sa kada apat na araw na gamit ang mga car owners na ayaw gumastos nang malaki.
Pag-uusapan muli ang ginagawang implementing rules and regulations ng batas bago matapos ang Nobyembre.
— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
DOTr pinaghahandaan ang child restraint system para sa mga pribadong sasakyan