Skip to content

Try

post thumbnail

Risa Na 2028

Bakit si Risa? Dahil hindi siya umaatras. Hindi siya umaatras para sa mahihina, hindi siya natitinag sa harap ng makapangyarihan, at hindi siya tumitigil hangga’t may kailangang ipagtanggol.

By Bullit Marquez

Jun 8, 2026

2-minute read

Share This Article

:
Risa Na1
previous arrow
next arrow

Inilunsad ng Akbayan at Magdalo Partylist at mga organisasyon ng nagrepresenta ng ibat-ibang sector sa lipunan ang kandidatura ni Sen. Risa Hontiveros sa pagkapangulo sa 2028 na eleksyun noong Hunyo 5.

 

Isinagawa ang campaign launch sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City.

 

Sa ilalim ng temang “RISA NA: Ipakita ang Tatag ng Pinoy,” binigyang-diin ng mga taga suporta ni Hontiveros ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga adbokasiyang nakatuon sa transparency, accountability, at people-centered governance.

 

Sa mga nagtatanong na, bakit si Risa?

 

Simple lang ang sagot ng Akbayan: “Dahil hindi siya umaatras. Hindi siya umaatras para sa mahihina, hindi siya natitinag sa harap ng makapangyarihan, at hindi siya tumitigil hangga’t may kailangang ipagtanggol.”

 

“At tulad niya, tayong ordinaryong mamamayan ay hindi rin umaatras. Sa kabila ng hirap at gulo, hindi tayo sumusuko sa pag-abot ng ating mga pangarap para sa isang mas magandang buhay.”

 

Ganun din ang pahayag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ng Magdalo Partylist, ”Marami ang masasamang tao na gustng sirain ang ating demokrasya. Kailangan natin ang isang lider na naninindigan sa tama. Pinakita ni Risa yan sa maraming mga nakaraang sitwasyon.”

Kuha ni Bullit Marquez ang mga litrato at video para sa VERA Files.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.