Noong Abril 2018, iniutos ng gobyerno ng Pilipinas ang anim na buwang pagsasara ng Boracay, isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga turista sa bansa na mahigit 300 kilometro sa timog ng Manila. Kilala sa mga baybaying-dagat na may mala-pulbos na puting buhangin, ang isla, na matatagpuan sa gitnang rehiyon ng Western Visayas, ay naging, tinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte, na “posonegro,” at kinailangan ng paglilinis at rehabilitasyon.
Tulad ng karaniwang mga pangyayari na nakakukuha ng pansin ng publiko, ang pagsasara ng Boracay ay nagbigay sa mga tagalikha ng mga maling impormasyon sa online ng isang magaling na angkla para sa kanilang ‘mga kuwento’.
Isang pahina ng Facebook na tinatawag na Awaken Philippines ang nanlinlang ng mga mambabasa nito sa pamamagitan ng pag-post ng isang collage gamit ang mga pekeng litrato upang ipakita ang timog ng Davao City, ang bayan ni Duterte kung saan siya ay naging mayor ng higit dalawang dekada bago siya nahalal na pangulo noong 2016, na mas marumi kaysa sa Boracay.
Ang post ng Awaken Philippines, hindi tulad ng karamihan sa mga maling impormasyon online na pinasinungalingan ng VERA Files Fact Check, ay naglalabas ng nilalaman na kritikal sa administrasyong Duterte.
Gayunpaman, ito ay may mga katulad na estratehiya ng panloloko, kapansin-pansin ang mapanlinlang na paggamit ng mga litrato, na matutuklasan ng mga masigasig na mga gumagamit bilang mga pekeng o binago gamit ang isang medyo madaling pang tsek online: ang reverse image search.
Ang pag reserve-search ng isang imahe sa pamamagitan ng Google Images o TinEye ay nagpapakita ng lahat ng mga pahina sa web kung saan lumilitaw ang litratong iyon.
Simple lamang ang ideya, ngunit ang teknolohiya ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit ng online na siyasatin, bukod sa iba pa, kung ang imahe ay talagang isang tumpak na representasyon ng isang kaganapan at hindi iginuhit mula sa isang hindi kaugnay na insidente o lugar.
Ang pagsasagawa ng reverse image search sa collage ng Awaken Philippines ay nagpapakita na kabilang sa mga litrato na sinasabing “Davao,” isa lamang sa kaliwang tuktok ang tunay na litrato ng timog na lungsod, na mula sa isang ulat tungkol sa polusyon noong 2014 sa pahayagang ‘Sun Star Philippines.’
Ang iba pang mga litrato ay:
- isang masikip na kulungan sa Quezon City, na ginamit bilang thumbnail ng isang ulat sa CNN noong 2016
- isang litrato ng parehong bilangguan, ng Agence France Presse
- baybayin ng Navotas, na kinunan ng photographer ng World Wildlife Fund na si Jürgen Freund noong dekada ng 1990
- isang munting ilog sa Manila na kinunan noong 2009, mula sa European Press Agency
- isang maruming look sa Malaysia na kinunan noong 2014 ng Shutterstock photographer na Rich Carey
Ang litrato sa kanan sa ilalim ay hindi matunton, ngunit sa oras na ito malinaw na ang Awaken Philippines post ay peke.
Gumagamit din ang mga tagalikha ng “fake news” ng mga video — sa katunayan, higit pa sa mga litrato o teksto — at ang pagpapatotohanan ng pagiging tunay ng mga video ay isang mahalaga, hindi lamang kinakailangang, kasanayan para sa mga gumagamit ng social media.
Maraming mapanlinlang na nilalaman sa online ang umaasa sa mga clickbait headline na nagsasabing may patunay na video ng isang imbentong kaganapan. Ang pagsusuri kung ang kuwento ay naglalaman ng isang video (maraming beses, wala) o kung ang kasamang video ay nagpapatunay ng pahayag (maraming beses, hindi) kadalasan ay nakaloloko.
Ang ilang mga video ay mas nakapandaraya.
Noong Setyembre, ang isang nakaliligaw na dalawa-at-isa’t-kalahating minutong video na umano’y nagtatanghal ng “unang diesel-electric-submarine” ng bansa ay umikot sa social media – kabilang sa ‘produktong impormasyon’ online na naglalayong umani ng mga pampulitikang puntos para sa administrasyong Duterte.
Sa kasong ito, ang paggamit ng isang plugin na tinatawag na InVid ay nagpapahintulot sa mga gumagamit na pag-aralan ang video frame-by-frame/ kada frame, at pagkatapos ay hanapin kung saan pa sa web makikita ang nararapat na mga frame.
Lumabas na ang umano’y “unang diesel-electric-submarine” video ay hindi ayon sa pahayag, kung hindi pinagtagpi-tagping mga clip na naglalaman ng:
- isang Nobyembre 2015 Videoblocks clip ng missile submarind USS Ohio sa Malaysia
- isang Nobyembre 2015 Shutterstock clip ng parehong barko; at
- isang video na Oktubre 2017 ng nuclear-powered Virginia-class submarine na pinapatakbo ng United States Navy, na inilathala ng Youtube channel na US Defense News.