Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: VP poll recount, Dengvaxia isyu mitsa ng pinakamaraming fake news sa online sa 2018

Mula pulitika at pagtatalong internasyonal hanggang sa kalamidad, pinagsama-sama namin sa listahan ang mga nangunang isyu sa bansa na pinagsimulan ng pinakamaraming mga fake news post sa taong ito.

By VERA Files

Dec 27, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ang fake news at ang maraming nitong mga anyo ay halos palaging batay sa kasalukuyang mga kaganapan at mga kontrobersya.

Ang padron na ito ay nagpatuloy sa taong 2018 na nakita sa 236 viral na mga post na sinuri ng VERA Files Fact Check mula Abril hanggang Disyembre sa ilalim ng pakikipag-partner sa Facebook.

Mula pulitika at pagtatalong internasyonal hanggang sa kalamidad, pinagsama-sama namin sa listahan ang mga nangunang isyu sa bansa na pinagsimulan ng pinakamaraming mga fake news post sa taong ito.

Vote recount para sa pagka-bise presidente

Nagsampa noong Hunyo 2016 si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang protesta sa pagkapanalo ng lider ng oposisyon na si Vice President Leni Robredo sa eleksiyon ng May 2016. Maliit ang naging lamang ni Robredo — 263,473 boto. Nagsimula ang Presidential Electoral Tribunal sa vote recount noong Abril.

Nasundan ng VERA Files Fact Check ang 11 hindi totoo, peke, nakaliligaw at hindi napatunayan na mga post sa 2018 na nagpapakita umano ng malinaw na patunay ng pandaraya sa eleksyon, ipinahayag na si Marcos ay nanalo na sa kaso, o pinalalabas na masamang tao si Robredo.

Ang isang halimbawa ang ulat ng Abril 21 na nagsasabing naglalaman ng video na nagpapakita ng “pag utos” ni Robredo na sunugin ang mga balota ni Marcos. Ang video ay hindi sinuportahan ang pahayag. Ang post ay maaaring umabot sa higit sa 1.8 milyong katao batay sa CrowdTangle analytics. Ang mga pahina na nagpapahayag ng suporta kay Duterte sa Facebook ang nangungunang mga gumawa ng trapiko.

Tingnan ang:

Kontrobersiya ng Dengvaxia

Ang programa sa pagbabakuna sa dengue sa panahon ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay napailalim sa masusing pag-aaral mula pa noong 2016 dahil sa umano’y mga anomalya sa pagbili ng P3.5 bilyong halaga ng mga bakuna. Sinisi ng Public Attorney’s Office ang bakuna sa 92 pagkamatay hanggang noong Oktubre.

Nasundan ng VERA Files Fact Check ang 10 viral na post na bunsod ng mga pagdinig sa Senado at mga kaso na isinampa laban kay Aquino at sa kanyang mga itinalaga sa posisyon sa buong taon — apat ay talagang hindi totoo, tatlo ay nakaliligaw, dalawa ay peke habang ang isa ay bahagyang totoo. Walo ang may nilalaman na sadyang walang kinalaman sa isyu ng Dengvaxia at inatake lamang si Aquino, ang kanyang mga magulang o mga kaalyado o pinuri ang dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Isang post noong Hulyo 18 na may kaugnayan sa Dengvaxia ang naglabas ng maling pahayag na si Aquino ay naaresto dahil sa korapsyon dalawang araw pagkatapos na magsampa ng kaso ang National Bureau of Investigation. Maaaring umabot ito sa higit sa 1.7 milyong tao.

Tingnan ang:

Ika-35 anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy Aquino

Ipinagdiwang ng mga producer ng fake news ang ika-35 anibersaryo ng kamatayan ng pinaslang na pinuno ng oposisyon na si Benigno “Ninoy” Aquino II sa pamamagitan ng walong hindi totoo, nakakalito at walang batayang na pahayag na nasubaybayan ng VERA Files Fact Check.

Kahit na ang karamihan sa mga post ay bagong gawa, ang ilan sa mga ito ay mga lumang pahayag o mga kuwento na muling binuhay o ibinahagi lamang ilang araw pagkaraan ng Agosto 21.

Halimbawa, ang dalawang nakaliligaw na mga post na inilathala noong Agosto 26 ay pinalabas na kamakailan lamang ang press briefing noong 2016, kung saan ang dating Pangulong Fidel Ramos ay nagsabi na ang asawa ni Marcos Sr., na si Imelda, ay alam ang planong pagpatay kay Ninoy. Ang post ay maaaring nakalinlang ng higit sa 3.4 milyong tao.

Tingnan ang:

Pagtatalong PH-Kuwait

Ang diplomatikong pagtatalo sa pagitan ng Pilipinas at ng gobyerno ng Kuwaiti ay pumutok noong Abril matapos paalisin si Philippine Ambassador Renato Villa sa estado ng Gulf dahil sa pagsasagawa ng mga misyon na “sagipin” ang mga inabusong Pilipinong kasambahay nang hindi nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Kuwait.

Ang tensyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan ay umani ng walong viral na post sa bilang ng VERA Files Fact Check count: Tatlo ay peke, tatlo ay nakaliligaw, at ang natitirang dalawa ay hindi totoo.

Karamihan ng mga post ay may mga video umano na nagpapakita na tumiklop ang Kuwait kay Duterte. Isang post, na bunga ng desisyon ni Duterte na magpa-iral ng deployment ban, ay may headline na:

“NAGBABAGANG BALITA! KUWAIT TUMIKLOP NA! NATAK0T SA BANTA NI PRES. DUTERTE! PANOORIN”

Ang kuwento ay maaaring umabot sa hindi bababa sa 1.9 milyong tao.

Tingnan ang:

Darating na 2019 midterm elections

Habang papalapit ang halalan sa Mayo 2019, nagsimula nang pagtuunan ng pansin ng mga gumagawa ng fake news ang ilang mga kandidatong senador bilang mga target ng disimpormasyon. Ang kanilang mga paborito: Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino.

Kabilang sa walong post na may kinalaman sa halalan na sinusubaybayan ng VERA Files Fact Check, ang kalahati ay naglalarawan kay Bam bilang “credit-grabber ” o trapo (tradisyonal na politiko).

Halimbawa, ang isang post ay gumawa ng kuwento na ginagamit ng senador ang mga ginagawang rehabilitasyon ng gobyerno sa Boracay at Pasig River bilang materyal ng kampanya para sa kanyang muling pagtakbo sa eleksyon. Ang isa naman ay inakusahan siya bilang isang ipokrito dahil sa “pagyakap sa mga dukha” para makakuha ng mga boto at nagpakita ng isang litrato ni Bam na kumakain ng pagkain sa kalye, isa umanong propaganda para sa halalan. Ang ulat ay hindi nagbigay ng anumang ebidensya para suportahan ang pahayag nito.

Tingnan ang:

Iba pang mga isyu ng diplomasya, kalamidad

Kadikit ng nabanggit na limang kontrobersyal na isyu, na may tig anim na viral post, ang patuloy na paunang pagsusuri ng International Criminal Court sa mga pagkamatay na nauugnay sa giyera laban sa droga ng administrasyong Duterte; ang pananalasa ng Typhoon Ompong; at ang pagkikipagtalo sa Tsina tungkol sa West Philippine Sea.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.