Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: AFP pinatindi ang hindi totoo, walang batayang mga pahayag tungkol sa pagkamatay ni Ninoy Aquino, ugnayan sa CPP

Ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Facebook (FB) ang isang kolum na inilathala sa The Manila Times na nagsabi ng maling mga pahayag tungkol sa pagkamatay ng yumaong senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at umano’y kaugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP).

By VERA Files

Feb 9, 2021

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Facebook (FB) ang isang kolum na inilathala sa The Manila Times na nagsabi ng maling mga pahayag tungkol sa pagkamatay ng yumaong senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at umano’y kaugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP).

PAHAYAG

Noong Enero 31, nag post ang AFP sa opisyal na FB page nito ng link sa kolum ng dating director-writer na si Mauro Gia Samonte nang araw na iyon na pinamagatang, “The [UP] commune is on fire,” at sinipi ang pambungad na talata:

After citing just the twin factors — the capital flight which the euthanasia of Benigno Aquino Jr. caused in 1983 and the 52-year-old communist terrorist insurgency of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army [(NPA)], which Ninoy formed in tandem with Jose Maria Sison back in 1968 — that have largely contributed to the continuing retardation of the economic development of the country, and then stressing that both Ninoy and Sison are products of the University of the Philippines, I thought I said all that I had to say on why Defense Secretary Delfin Lorenzana is quite justified in unilaterally abrogating the UP-Department of National Defense (DND) agreement of 1989.

(Matapos banggitin lamang ang kambal na kadahilanan — ang capital flight dahil sa euthanasia ni Benigno Aquino Jr. noong 1983 at ang 52-taong paghihimagsik ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army [(NPA)], na binuo ni Ninoy kasama si Jose Maria Sison noong 1968 — na higit na nag-ambag sa patuloy na pagpapabagal ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, at pagkatapos bigyang diin na parehong sina Ninoy at Sison ay mga produkto ng University of the Philippines, naisip kong nasabi ko na lahat nang kailangan kong sabihin kung bakit si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay may dahilan para kusang wakasan ang kasunduan ng UP-Department of National Defense (DND) noong 1989.)

Pinagmulan: Armed Forces of the Philippines Official Facebook page, OPINION | Manila Times, The UP commune is on fire, Enero 31, 2021

Makalipas ang apat na oras, nag edit ang AFP ng post nito para baguhin ang kasamang caption, tinanggal ang seksyon na direktang kinuha nito mula sa kolum. Sa halip, ini-highlight nito ang “bukas na liham” na binanggit ni Samonte sa kanyang kolum tungkol sa pagwawakas ng kasunduan noong 1989 sa pagitan ng Unibersidad ng Pilipinas at DND. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang ibig sabihin ng unilateral termination ng UP-DND accord)

Ginawa din ni Samonte ang parehong mga pahayag tungkol kay Aquino sa kanyang kolum noong Enero 24.

ANG KATOTOHANAN

Ang Manila Times kolum, na ibinahagi ng AFP at unang sinipi, ay mali sa dalawang bagay.

Una, si Aquino ay pataksil na pinatay, hindi na-euthanize. Ang pagpatay sa kanya noong Agosto 21, 1983 — na tinutukan nang husto ng local at international media, kabilang ang The New York Times, Associated Press, ABC News, at TIME Magazine — ay naitala sa kasaysayan at legal na mga account ng Pilipinas.

Nakasaad sa Ingles sa isang bahagi ng artikulo tungkol sa pumanaw na senador na inilathala sa Official Gazette:

“Si Aquino ay sumailalim sa military trial, sinampahan ng kasong murder, illegal possession of firearms, at subversion. Nagtiis siya ng pitong taong pagkakakulong bago siya pinayagan na magpagamot sa United States dahil sa sakit sa puso. Matapos ang tatlong taon sa exile, bumalik siya sa Manila, ngunit pinatay bago pa siya makababa ng tarmac. Ang pagpatay sa kanya ay nagsimula ng isang kadena ng mga kaganapan na kalaunan ay humantong sa People Power Revolution ng 1986.”

Pinagmulan: Official Gazette, Ninoy Aquino, Na-access noong Peb. 4, 2021

(Tingnan ang Agosto 21, 1983: Voices tell the story)

Ang euthanasia, na tinatawag din na “mercy killing,” ay ang “pagkilos o kasanayan kung saan ang mga taong nagdurusa sa masakit at walang lunas na sakit o magpawalang-kayang pisikal na karamdaman ay pinapatay sa paraang walang mararamdamang sakit o hinahayaang mamatay sa pamamagitan ng pagpigil sa paggamot o pag-alis ng mga artipisyal na life-support,” ayon sa online Encyclopedia Britannica.

Pangalawa, ang pahayag na kabilang si Aquino sa nagtatag ng CPP ay itinanggi mismo ni Sison, ang founding chairperson ng party.

Sa isang panayam noong Marso 2016, sinabi niya sa Ingles, “Si Ninoy Aquino ay hindi maaaring maging isang komunista o tagapagtatag ng [CPP],” na sinabing ang huli ay “pinasikat ang sarili sa pamamagitan ng pag-uusisa lamang sa mga isyu ng katiwalian at kalayaang sibil.”

“Hindi niya kailanman tinutulan ang pamamalakad ng mga malalaking kumprador at landlord,” dagdag ni Sison. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Sabi ni Duterte dapat magsama na ang ‘Yellow’ at ‘Reds’; wala itong kabuluhan)

Hindi nabanggit si Aquino sa artikulong isinulat ni Sison para sa ika-50 anibersaryo ng CPP noong 2018 na ikinuwento ang pagsisimula ng partido at “magagandang mga nagawa,” na sinabi ng huli na batay sa kanyang “dating karanasan at sa … mga dokumento na magagamit ng publiko.” Hindi rin kasama ang pumana na senador sa “maikling pagsusuri ng kasaysayan” ng partido, na inilathala noong 1988.

Ang tracker ng mga militanteng organisasyon sa buong mundo na pinapanatili ng Center for International Security and Cooperation ng Stanford University ay hindi rin pinatototohanan ang pahayag nina Samonte at AFP.

Sina Sison at Aquino, isang myembro ng Liberal Party at nangungunang tao ng oposisyon laban sa yumaong diktador Ferdinand Marcos Sr. noong panahong iyon, ay inakusahan bilang utak ng pambobomba sa Plaza Miranda noong Agosto 1971.

Habang inamin ni Sison na si Aquino ay “hindi kinalaban ang NPA,” sinabi niya na ang dalawang partido ay “walang pormal na alyansa.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Istorya ng pamilya Aquino binaluktot at sinulat muli sa online post)

Sa panayam noong Hulyo 2010 sa GMA News TV, sinabi niya sa Ingles:

“Walang pormal na alyansa sa pagitan ng CPP-NPA at Ninoy Aquino. Sa kawalan ng pormal na alyansa, ibig kong sabihin na walang nakasulat na instrumento ng alyansa (dokumento) at walang organizational form para mabuo ang alyansa. Ngunit mayroong isang impormal at objective na alyansa. Ang CPP at NPA at si Ninoy ay impormal at praktikal na cooperators laban sa rehimeng Marcos mula noong huling bahagi ng 1968 hanggang sa pagkakapatay sa kanya…”

Pinagmulan: Josemariasison.org, ON NINOY AQUINO’S RELATIONS WITH CPP & NPA, Okt. 1, 2010

Ang mapanlinlang na FB post ng AFP ay naibahagi nang hindi bababa sa 160 beses, at maaaring umabot sa higit sa 10,460 katao sa FB lamang hanggang Peb. 5, ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle.

Ang kolum ni Samonte ay nakakuha ng higit sa 1,900 na FB interactions at may potensyal na makaabot sa higit sa 620,600 katao.

 

Mga Pinagmulan

Infantile Disorder blog by Adam Ford, Interview With A Revolutionary Filipino Filmmaker, Retrieved on Feb. 6, 2021

Philippine News Agency, Photos: A WARRIOR’S BIOGRAPHY: Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, launches his book “Mandirigma: In Wartime and in Peace,” June 14, 2018

Mauro Gia Samonte’s blog. Retrieved on Feb. 6, 2021

ABS-CBN News Online, Cristina Gonzales returns to showbiz after 15 years, Jan. 30, 2021

Inquirer.net, Former movie director accuses armed group of taking his land, May 19, 2011

The Manila Times, Op-Ed Columns: The up commune is on fire, Jan. 31, 2021

Armed Forces of the Philippines Official Facebook page, OPINION | Manila Times, Jan. 31, 2021. Retrieved on Feb. 6, 2021

The Manila Times, Op-Ed Columns: UP upturned, Jan. 24, 2021

Ninoy Aquino was assassinated, not euthanized

Ninoy Aquino CPP ties unfounded

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.