Ang Facebook page na Awaken Philippines, na naglalathala at nagbabahagi ng mga post na kritikal sa administrasyong Duterte, nag-post noong Abril 11 ng isang maling ulat na naglalarawan sa bayan ng pangulo na Davao bilang mas marumi kaysa sa Boracay sa pamamagitan ng paggamit ng mga litrato ng ibang mga lugar.
PAHAYAG
Kasama sa post ang isang collage na nagpapakita ng siyam na mga litrato, isa sa Boracay at walong ng “Davao,” na may teksto na nagsasabing:
“Boracay ipapasara ni Duterte dahil gustong linisin. Bakit hindi niya muna tingnan sariling nyang bakuran. Sayang naman yung P2B na budget sa gastos sa transpo nya ng Davao-Manila sa isang taon?”
FACT
Tanging ang nasa itaas sa kaliwa na litrato sa collage ang talagang sa Davao, na galing sa isan ulat noong 2014 ng SunStar Davao tungkol sa polusyon sa Barangay 23-C, Davao City. Ang parehong larawan ay matatagpuan din sa ibabang kaliwa.
Ang iba pang mga larawan ay:
- thumbnail ng isang tampok na kwento ng CCN noong 2016 sa masikip na kulungan ng Quezon City
- litrato ng parehong kulungan kuha ng Agence France-Press noong 2016
- baybayin ng Navotas na kinunan ng dating photographer ng World Wildlife Fund na si Jürgen Freund noong huling bahagi ng 1990s
- larawan ng isang creek sa Maynila kuha ng European Press Agency noong 2009
- litrato ng Shutterstock photographer na si Rich Carey noong 2014 ng isang maruming look sa Malaysia
Ang ibabang kanan na larawan, isang hindi malinaw na imahe ng tila wasak na lugar, ay hindi mahanap ang pinagmulan.
Ang larawan ng Boracay, na mukhang medyo malinis, ay hindi bababa sa 11 taong na ayon sa photographer na si Anders Thorsell, na gumamit din ng litrato sa isang 2007 blog post.
Ang post ng Awaken Philippines ay nilikha isang linggo pagkatapos iutos ni Duterte ang pagsasara ng Boracay simula Abril 26 upang maumpisahan ang rehabilitasyon nito. (Tingnan Emergency assistance for workers as Boracay cleanup gets underway)
Ito ay na share ng halos 5,000 beses, at maaaring nakaabot sa higit 280,000 na Facebook users.
Ang pinakamalaking traffic generators ay ang Sen Trillanes Power, Marcos Loyalist, at Kalupitan ng Noynoy “Abnoy” Aquino And His Government. Ang huli tinawag ang Awaken Philippines, na nilikha noong 2014, na “basura.”
Mga pinagkunan:
Anders Thorsell, personal correspondence, May 1, 2018
Anders Thorsell, Resefoto Blog, Dec. 26, 2007
CNN, “CNN goes inside massively overcrowded jail,” Aug. 22, 2016
Shutterstock, Rich Carey’s portfolio, April 24, 2014
Stella and Jürgen Freund, personal correspondence, May 2, 2018
SunStar Davao, “Garbage everywhere and failed communication,” Aug. 6, 2017
World Wildlife Fund, Blog post on pollution, n.d.
The Guardian, “World’s poor overwhelmed by rubbish”, June 5, 2009
The Sun, “Inside the Philippines most notorious prison that houses 3,800 inmates”, July 30, 2016