Maaaring ang nagbibiro lamang si Pangulo Rodrigo Duterte, pero sa kanyang 27 minutong talumpati sa graduation sa San Beda University noong Mayo 29 may patudsada siya tungkol sa patakaran sa edukasyon na mali.
PAHAYAG
Lumihis sa kanyang inihandang talumpati, sinabi ng presidente na ang anak niyang si Veronica “Kitty” Duterte ay nagreklamo tungkol sa programang K to 12 at sinisisi si Education Secretary Leonor Briones tungkol dito:
“Sabihin mo kung ano ang nakain niya? Bakit hinabaan niya itong kurso naming K-12?”
Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa graduation sa San Beda University, Mayo 29, 2018, panoorin mula 17:57 hanggang 18:33
Umani ng halakhak at palakpak ang pangulo, pero hindi niya itinama ang sinabi ng kanyang anak na babae.
FACT
Ang Enhanced Basic Educational Program Act of 2013 na mas kilala bilang K to 12 Program ay naging batas sa ilalim ng pamumuno ni dating Education Secretary Bro. Armin Luistro at dating Pangulong Benigno S. Aquino III.
Ang K to 12 program ay sumasaklaw sa 13 taon ng basic education, na kinabibilangan ng hindi bababa sa isang taon ng edukasyon sa kindergarten, anim na taon ng elementarya, apat na taon ng junior high school, at dalawang taon ng senior high school.
Ang Pilipinas ang huling bansa sa Asya na bumitaw sa 10-taong programa sa basic na edukasyon. Ang K to 12 cycle ay ang kinikilalang pamantayan para sa programa ng basic education sa buong mundo. Naniniwala ang mga tagapagtangkilik ng programa na ito ay nagbibigay ng sapat na panahon para maihanda ang mga nagtapos para sa tertiary education, skills development, trabaho at entrepreneurship.
Mga pinagmulan ng impormasyon:
K to 12 General Information, Department of Education
What is K to 12 program?, The Official Gazette
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the commencement exercises of San Beda University