Binago muli ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang pananaw sa kung paano dapat harapin ang mga taong nalululong sa droga, na sinabi sa isang pagdinig sa Senado noong Set. 29 na dapat silang tratuhin bilang “mga biktima na nangangailangan ng tulong.”
Salitan ang pag gamit ni Go sa mga salitang “drug addict” at “drug dependent” sa kanyang mga pahayag sa publiko at opisyal na press release. Ang mga terminong ito ay tumutukoy sa dalawang magkaibang bagay.
Dating special assistant ni Pangulong Rodrigo Duterte, si Go ay kumandidatong senador gamit ang anti-illegal drug at criminality campaign. Maliban sa SB 399, isinampa rin niya ang SB 207, na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen na kinasasangkutan ng iligal na droga, bukod sa iba pang mga pagkakasala. Ang parehong mga panukala ay nananatiling nakabinbin sa antas ng komite.
Noong Agosto 31, 2020, ang opisyal na datos ng gobyerno ay nagpapakita na hindi bababa sa 5,856 katao ang napatay sa mga operasyon ng kontra-iligal na droga ng pulisya mula Hulyo 1, 2016.
BACKSTORY
Ang substance “dependency” ay tumutukoy sa “pisikal o physiological dependence ng isang tao, na ipinahihiwatig ng mga sintomas ng pagpapaubaya at withdrawal,” ayon sa isang artikulo ng naka-base sa Canada na clinical psychologist na si Jonathan Stea, na inilathala noong Nobyembre 2019 ng Scientific American magazine. Hindi ito katumbas sa pagkagumon ngunit maaaring maging feature ng huli, aniya.
Ang addiction o pagkagumon, sa kabilang banda, ay isang “kumplikadong … sakit sa utak” na nakikita sa pamamagitan ng “hindi mapigilang substance use sa kabila ng mga nakakasamang kahihinatnan,” nakasaad sa isang explainer ng American Psychiatric Association (APA).
“People with addiction (severe substance use disorder) have an intense focus on using a certain substance(s), such as alcohol or drugs, to the point that it takes over their life. They keep using alcohol or a drug even when they know it will cause problems.
(Ang mga taong may pagkagumon (malubhang substance use disorder) ay may matinding pokus sa paggamit ng isang tiyak na (mga) sangkap, tulad ng alkohol o droga, hanggang sa ito na ang nagdidikta ng kanilang buhay. Patuloy silang gumagamit ng alak o gamot kahit na alam nilang magdudulot ito ng mga problema.)”
Pinagmulan: American Psychiatric Association, What is Addiction?, Enero 2017
Ang isang tao ay maaaring maging drug dependent nang hindi nagiging gumon o adik, at kabaliktaran, sinabi ni Stea, isang assistant professor sa University of Calgary na nagdadalubhasa sa pagtatasa at paggamot ng mga addictive at psychiatric disorder.
Sa ikalimang edisyon ng APA Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-5), ang dating mga kategorya ng “substance abuse” at “substance dependence” ay pinagsama sa isa, Substance Use Disorder, at “sinusukat sa isang continuum mula sa banayad hanggang malubha.”
Kabilang sa mga mabisang treatment na magagamit para sa mga taong may substance use disorders ay ang pinagsamang paggamit ng medication at indibidwal o group therapy, bukod sa iba pa, sinabi ng APA.
Mga Pinagmulan
Senate of the Philippines, Senate Bill 399, July 11, 2019
Senate of the Philippines, Bong Go: maximize existing drug rehab facilities, give drug dependents chance to reform, Sept. 16, 2019
Ping Lacson official Youtube account, Sponsorship of the CHR Budget for 2020 | Nov. 18, 2019, Nov. 18, 2019
Commission on Human Rights, CHR Statement on the official invitation of the Philippines to the Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary, or Arbitrary Executions, Dec. 21, 2016
Commission on Human Rights, CHR Statement on the Resumption of Oplan Tokhang, March 3, 2017
Office of the High Commission on Human Rights, Inputs to the Report of the Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) on the implementation of the UN General Assembly Special Session on Drugs (UNGASS) joint commitment to effectively addressing and countering the world drug problem with regard to human rights, May 21, 2018
GMA News Online, I have body bags for drug addicts, fake news peddlers –Bong Go, April 12, 2020
Abante, Bong Go: May body bag para sa mga adik, nagkakalat ng fake news, April 12, 2020
Kuyabonggo.ph, I have body bags for drug addicts, fake news peddlers –Bong Go, April 12, 2020
Kuyabonggo.ph, Bong Go: May body bag para sa mga adik, nagkakalat ng fake news, April 12, 2020
Senate of the Philippines, Committee on Finance [Subcommittee ”C”] (September 29, 2020), Sept. 29, 2020
Bong Go official Facebook page, “Serbisyo, serbisyo, serbisyo…,” April 8, 2019
Senate of the Philippines, Senate Bill 207, July 2, 2019
RealNumbersPH official Facebook page, #RealNumbersPH Year 4, Sept. 25, 2020
Scientific American, Is There Really a Difference Between Drug Addiction and Drug Dependence?, Nov. 14, 2019
American Psychiatric Association, What Is Addiction?, January 2017
University of Calgary, Jonathan N. Stea, Accessed on Oct. 8, 2020
American Psychiatric Association, About DSM-5
American Psychiatric Association, Substance-Related and Addictive Disorders, Accessed on Oct. 8, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)