Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Dating chair ng NCCA, mga netizen nanligaw gamit ang lumang litrato ng mga bandila ng China sa Cavite

Hindi bababa sa dalawang Facebook (FB) page at anim na pribadong netizens, kasama si dating National Commission for Culture and the Arts (NCCA) chair Felipe Mendoza de Leon, ang nag upload bilang bago ng litratong kuha noong Hulyo 2019 na nagpapakita ng mga bandila ng China at Pilipinas na sinasabing nakabitin sa kahabaan ng mga kalsada ng Carmona, Cavite.

By VERA Files

Jun 4, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi bababa sa dalawang Facebook (FB) page at anim na pribadong netizens, kasama si dating National Commission for Culture and the Arts (NCCA) chair Felipe Mendoza de Leon, ang nag upload bilang bago ng litratong kuha noong Hulyo 2019 na nagpapakita ng mga bandila ng China at Pilipinas na sinasabing nakabitin sa kahabaan ng mga kalsada ng Carmona, Cavite.

Ang mga post, na lumabas ilang araw bago ang ika-122 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12, ay ikinagalit ng mga netizen na naniwalang ang litrato ay kinunan kamakailan lang.

PAHAYAG

Noong Mayo 31, ipinost ni De Leon sa kanyang personal FB account ang isang screengrab ng FB post ng dalawang litrato — kapwa ipinapakita ang mga bandila ng Pilipinas at China na salitang nakabitin sa mga poste sa gitna ng isang kalsada.

Ang pangalan ng publisher at ang petsa ng pag-post ay tinanggal, pero ang orihinal na caption ng post ay naiwan, na nagbibigay ng lokasyon ng display:

From Carmona SLEX tollgate going to (Mula sa Carmona SLEX tollgate patungo sa) POGO Island, Kawit, Cavite.”

Tinawag na “matinding insulto” ito sa bansa, sinabi ni de Leon sa kanyang post:

“Pwde (sic) ba mga kabitenyo, sunugin nyo ang mga ito. Sa Kawit, Cavite pa nman (sic) idineklara ang kalayaan ng bansa noong June (Hunyo) 12, 1898. Mapapayagan ba ninyo ang panggagagong ito?

Pinagmulan: Felipe Mendoza de Leon, “SINONG MGA HAYOP ANG GUMAWA NITO?” Mayo 31, 2020

Ang nakaliligaw na post ng dating NCCA chair ay tinanggal na, pero bago nangyari ito nakatanggap ang post ng higit sa 2,100 shares at higit sa 1,700 reaksyon, ang karamihan mga “galit” na reaksyon mula sa mga netizens. Sa comments section, may mga mambabasa na humihingi ng paliwanag sa lokal na pamahalaan ng Cavite. Ang ilan ay inulit sa panawagan ni de Leon na tanggalin ang mga bandera ng China, habang ang iba ay tinanong kung saan kailan kinunan ang mga litrato.

ANG KATOTOHANAN

Ang mga post ay nakaliligaw; ang umiikot na mga litrato ay hindi kinunan kamakailan.

Nakita sa isang keyword search sa FB na ang mga litrato – pati na rin ang iba pang mga kuha ng mga bandila na kinuha mula sa iba pang mga anggulo — ay umiikot na online noon pang Hulyo ng nakaraang taon.

Isa sa mga pinakaunang mga post ng bandera ng China, na na-upload noong Hulyo 27, 2019, ay nagpapakita ng dalawang tao sa isang aerial work platform na nagkakabit mga bandila ng China sa isang poste. Sinabi ng nag upload sa kanyang caption na ang litrato ay kinunan “sa Carmona, Cavite, malapit sa Carmona Exit,” at tinanong kung para saan ang mga bandila.

Nagkomento sa post si Charmaine Distor, kasalukuyang officer-in-charge ng Carmona Municipal Information, Tourism, Culture and Arts Office, at ipinaliwanag na ang pagpapakita ng mga bandila ng China kasama ang mga bandila ng Pilipinas ay para sa isang signing ceremony ng “sisterhood agreement” sa pagitan ng munisipyo ng Carmona at Jiyang County sa China. Sinabi rin ito ni Distor sa isang pribadong mensahe sa VERA Files sa Hunyo 2.

Isang livestream video sa opisyal na FB page ng bayan at mga litrato na na-upload ni Carmona Mayor Roy Loyola ang nagkumpirma ang kaganapan noong Hulyo 29, 2019.

Dagdag pa ni Distor, ang Carmona ay dati nang nag display ng mga bandila ng dayuhan na sister city ng munisipalidad tulad mula ng South Korea. Sinabi niya na ito ay “isa sa [mga] na paraan [ng munisipalidad] upang maipakita ang mabuting pakikitungo [nito] sa [mga] kinkapatid na bansa.”

 

Maraming mga netizen na nagkomento sa post ni de Leon ang nagsabing ang display ng Carmona ay ilegal, na binabanggit ang Section 34 ng Republic Act No. 8491, o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” na nagsasaad na ipinagbabawal na “ipakita sa publiko ang anumang dayuhang bandila, maliban sa mga embahada at iba pang mga diplomatikong establisimento, at sa mga tanggapan ng mga international organization.”

Gayunpaman, nilinaw ng National Historical Commission (NHCP) na ang display ng bandila ng dayuha sa mga pampublikong lugar ay pinahihintulutan sa panahon ng “mga kaganapan na kinasasangkutan ng isang dayuhang bansa,” basta ipinapakita ito sa tabi ng watawat ng Pilipinas.

“Puwede lang po siyang i-display kapag sa mga consulate o kaya po kapag may bisita po — may state visit o kaya po may mga event po na may kinalaman yung foreign nation (dayuhang bansa),” Juan Paolo Calamlam, officer-in-charge of NHC’s Heraldry Section, said in a phone interview with VERA Files.

“Pero hindi po puwedeng maiwan mag-isa ‘yung foreign flag (bandila ng dayuhan), kailangan po laging may nauuna po ‘yung Philippine flag (watawat ng Pilipinas),” Calamlam added.

Ang ginamit ulit na litrato ay umikot online kasabay ng mga headline tungkol sa 90 Chinese nationals na naaresto kamakailan sa Bacoor City sa Cavite dahil sa paglabag sa mga panuntunan quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng mga inaaresto na sila ay nagtatrabaho para sa isang legal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa, ngunit nabigo na ipakita ang mga tamang travel document at work permit sa mga awtoridad.

Ayon sa social media tool na CrowdTangle, mula Mayo 28 hanggang Hunyo 2, may 22 FB posts ang nagdala ng kontrobersyal na litrato, at nakakuha ng higit sa 1,500 interactions mula sa mga gumagamit ng social media.

Ang pinakaunang revival nito ay ginawa ng isang netizen na nag-upload ng litrato noong Mayo 28 at binanggit sa caption na ang imahe ay mula sa isang Reddit entry na nilathala siyam na buwan na ang nakalilipas. Pero ang mga reshare at repost nito ay hindi isinama ang mahalagang impormasyon na ito.

Nangungunang mga traffic generator sa nakaliligaw na mga reupload ng litrato ay ang mga pampublikong FB group: Online Rambulan, THE FORCE OF SEN. BAM AQUINO, at World Boycott ng China Goods.

Tala ng editor: Ang artikulong ito ay na-update upang ipakita ang isang mas bagong litrato ng kalsada sa Carmona, Cavite.

 

Mga Pinagmulan

Felipe Mendoza de Leon, “SINONG MGA HAYOP ANG GUMAWA NITO?” May 31, 2020

Philippines Defense Forces Forum, “From the inbox,” July 28, 2019

Pepc Paloma, “Installation of Chinese Flags seen in Carmona, Cavite,” July 28, 2019

Gardener’s Tambayan Community, “Cavite de china,” July 30, 2019

Reddit, “Somewhere in Carmona, Cavite..,” July 28, 2019

Patrick Lopez Revilla, “Welcome to the province of China,” July 27, 2019

Nik Barcelona, “Just now in Carmona, Cavite,” July 27, 2019

Municipality of Carmona, Cavite, Sisterhood Agreement between Jiyang County, China and Mun. Gov’t of Carmona, Cavite, Philippines, July 29, 2019

Atty. Roy M. Loyola, Signing Ceremony of Sisterhood Agreement with Jiyang, China, July 29, 2019

The Official Gazette, Republic Act No. 8491, Feb. 12, 1998

International Labour Organization, Batas Pambansa Bilang 880, Oct. 22, 1985

CNN Philippines, 90 Chinese nationals arrested in Cavite for violating quarantine protocols, May 31, 2020

GMA News, 90 Chinese, 2 Malaysians nabbed in Bacoor, Cavite —police, May 31, 2020

Business World, 90 Chinese, 2 Malaysians nabbed for violating lockdown guidelines, June 1, 2020

Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH, May 1, 2020

Information Technology & Business Process Association of the Philippines, “… has directly benefitted millions…,” May 4, 2020

Za Olegario, “Credits To The Owner…” May 28, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.