Hindi mga iligal na droga ang opisyal na dahilan ng giyera na nagwasak sa Marawi City noong 2017, ngunit ito ang sinabi nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. sa labas ng bansa sa magkahiwalay na pahayag, ilang araw lamang ang pagitan.
Sa isang forum noong Okt. 3 (Okt. 4 sa Maynila) sa kanyang state visit sa Russia, inulit ni Duterte ang kanyang maling pahayag na ang limang buwang labanan sa Marawi sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at grupong Maute na may kaugnayan sa ISIS ay bunsod ng isang warrant of arrest na may kinalaman sa droga sa pinuno ng Abu Sayyaf Group na si Isnilon Hapilon. Ginawa ni Duterte ang parehong maling pahayag ng hindi bababa sa dalawang beses noon. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte revises Marawi story, contradicts martial law justification)
Limang araw bago Set. 28 (Set.29 sa Maynila), inulit ni Foreign Affairs Secretary na si Teddyboy Locsin, Jr. ang pahayag sa kanyang talumpati sa ika-74 United Nations General Assembly.
Ayon sa ulat upang bigyang-katwiran ang pagpapalabas ng pangulo ng Proclamation 216, ang buong Mindanao ay ipinasailalim sa martial law dahil sa “rebelyon,” at hindi sa kalakalan ng iligal na droga. Pinapayagan lamang ng Konstitusyon ang pangulo na ilagay ang bansa o anumang bahagi nito sa ilalim ng martial law sa mga kaso ng pagsalakay o rebelyon, at kapag kinakailangan sa kaligtasan ng publiko.
Ang pagpapatupad ng martial law ay pinalawig nang tatlong beses at mawawalan ng bisa sa pagtatapos ng 2019 maliban kung may isa pang kahilingan ang isasampa sa Kongreso para sa pagpapatuloy nito.
VERA FILES FACT CHECK: Duterte, Locsin repeat false claim Marawi siege caused by anti-drug ops from VERA Files on Vimeo.
Mga Pinagmulan
RT, Putin, Ilham Aliyev, Abdullah II, Kassym-Jomart Tokayev and Rodrigo Duterte attend Valdai discussion, Oct. 3, 2019
United Nations, Philippines – Minister for Foreign Affairs Addresses General Debate, 74th Session, September 28, 2019
Official Gazette, Proclamation 216
Official Gazette, 1987 Philippine Constitution
ABS-CBN News, ‘DEAD OR ALIVE’: Duterte offers P10M to ‘neutralize’ Hapilon, P5M for Maute Brothers, June 05, 2017
CNN Philippines, AFP Chief: Duterte offers P10M bounty for Isnilon Hapilon, June 05, 2017
Philstar.com, AFP: Hapilon, Maute bounties for informants, not for soldiers, October 17, 2017
Supreme Court of the Philippines, G.R. No. 231658, July 04, 2017
RTVMalacañang, 31st Cabinet Meeting (Speech) 11/06/2018
RTVMalacañang, State of the Nation Address (SONA) 2019 (Speech) 7/22/2019
Presidential Communications Operations Office, The President’s Report to the People 2016-2018
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)