VERA FILES FACT CHECK: Habang nakabitin ang pagpapatibay ng anti-terror bill, Locsin inulit ang maling pahayag na drug ops laban sa lider ng terorista ang sanhi ng pagkubkob sa Marawi
Sa hindi bababa sa pangatlong pagkakataon, muling sinabi ni Foreign Affairs Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. ang maling impormasyon na ang paghahatid ng warrant of arrest dahil sa iligal na droga ang ugat ng Marawi siege.