Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Dating puno ng CFO NAKALILIGAW ang gamit ng maling datos sa Marawi rehab aid

Nag post kamakailan lamang si dating Commission on Filipino Overseas chairperson Imelda Nicolas ng isang nakaliligaw na infographic tungkol sa halaga ng foreign aid na natanggap ng Pilipinas para sa rehabilitasyon ng Marawi City na winasak ng giyera.

By VERA Files

Nov 2, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Nag post kamakailan lamang si dating Commission on Filipino Overseas (CFO) chairperson Imelda Nicolas ng isang nakaliligaw na infographic tungkol sa halaga ng foreign aid na natanggap ng Pilipinas para sa rehabilitasyon ng Marawi City na winasak ng giyera.

PAHAYAG

Noong Okt. 26, nag post si Nicolas sa Facebook ng isang infographic na naglalarawan ng “Natanggap na Tulong para sa Rehabilitasyon ng Marawi.” Inilista nito ang mga sumusunod na bansa at mga multinasyunal na organisasyon at ang kanilang kaukulang mga tulong na pondo:

Australia – US$ 1 bilyon
United States – US$ 785 milyon
United Nations – US$3 bilyon
Japan – US$600 milyon
Thailand – US$ 50 milyon
China – US$2 milyon
European Union – US$1.5 bilyon

Pinagmulan: Facebook page ni Imelda Nicolas, Okt. 26, 2018

Sa kanyang post, kinuwestiyon ni Nicolas kung paano ginagamit ang mga pondo ng rehabilitasyon ng Marawi mula sa labas ng bansa, kasama ang litrato na may tekstong, “Nasaan ang Marawi fund ???”na naka-bold, dilaw na mga titik.

ANG KATOTOHANAN

Maraming mga ulat ng balita, mga rekord ng pamahalaan at mga pahayag mula sa mga embahada ng mga may kinalamang bansa ang nagpapakita na ang foreign aid para sa Marawi ay hindi umabot sa “daan-daang milyong” at “bilyong” US dollar mula sa bawat isa sa mga bansang nabanggit, salungat sa post ni Nicolas.

Nasa ibaba ang aktwal na halaga ng tulong ng limang bansa, ang EU at UN na ibinigay para sa Marawi.

Bansa

PHP

USD

Pahayag ni Nicolas

Australia

P975 milyon nitong Okt. 26

$17.7 milyon

$1 bilyon

United States

P3.2 bilyon nitong Okt. 16

$59.1 milyon

$785 milyon

United Nations

P406 milyon nitong Okt. 11

$7.5 milyon

$3 bilyon

Japan

P970 milyon nitong Mayo 15

$18.66 milyon

$600 milyon

Thailand

P100 milyon nitong Set. 15, 2017

$1.96 milyon

$50 milyon

China

P1.15 bilyon nitong Nob. 15, 2017

$23 milyon

$2 milyon

European Union

P49 milyon nitong Hulyo 4, 2017

$969,970

$1.5 bilyon

Ang nakaliligaw na infographic ay isang minanipulang imahe mula sa isang ulat ng Philstar noong 2017 tungkol sa foreign aid na natanggap para sa rehabilitasyon ng Marawi.

Ang post ni Nicolas ay lumitaw isang linggo matapos mag protesta ang mga residente ng Marawi noong Okt. 16 tungkol sa matagal nang naantalang rehabilitasyon ng kanilang lungsod at ilang araw bago opisyal na inilunsad ng pambansa at lokal na mga opisyal ang proyektong rehabilitasyon. Ito ay inumpisahan noong Okt. 30, mahigit isang taon matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lunsod ng mga Muslim na malaya na sa teroristang grupo ng Maute.

Ang post ng dating puno ng CFO na naglalaman ng nakaliligaw na impormasyon ay ibinahagi ng higit sa 750 katao.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Australian Embassy in the Philippines, “Australia increases support to PHP 975 million for Marawi recovery,” Oct. 26, 2018

CNN Philippines, “China to donate ₱1-B for Marawi rehab, signs 14 deals with PH,” Nov. 16, 2017

Delegation of the European Union to the Philippines, “Philippines: EU provides € 850 000 to support victims of Marawi crisis,” July 4, 2017

Department of Finance, “Japan formalizes 2-billion yen grant for Marawi rehab,” May 15, 2018

Philstar.com, “Philippine-China ties as warm as Manila weather – Li,” Nov. 15, 2017

Presidential Communications Operations Office, “Mindanao Hour Briefing by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan with Secretary Delfin Lorenzana Department of National Defense,” Sept. 15, 2017

Philstar.com, “Liberation sa Marawi,” Oct. 17, 2017

The Diplomat, “Chinese Premier: China-Philippines Relations as Warm as Manila’s Weather,” Nov. 16, 2017

United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs – Philippines, “Philippines: United Nations Deputy Humanitarian Chief calls for continued humanitarian support to the people of Marawi,” Oct. 11, 2018

U.S. Embassy in the Philippines, “Ambassador Kim Announces Php1.35 billion Marawi Response Project,” Oct. 16, 2018

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.