Sa isang talumpati na nag urong-sulong sa pagitan ng pesimismo at optimismo tungkol sa hinaharap ng Mindanao, nagkamali si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang mahalagang detalye tungkol sa proseso ng kapayapaan ng Bangsamoro.
ANG PAHAYAG
Sa seremonya ng pagtatapos ng 26th Mindanao Business Conference sa Cagayan De Oro noong Setyembre 9, sinabi ni Duterte na gusto niyang “ituloy ang mga pag-uusap” sa mga pwersa para sa liberasyon ng Moro sa Mindanao.
Sinabi niya:
“Hayaan ninyong tiyakin ko sa MI, uh tayo ay patuloy na gumagalang sa pamunuan, at nais naming ituloy ang mga pag-uusap, at para kay Nur Misuari ang parehong bagay.”
Pinagkunan: RTVMalacanang, Closing Ceremony of the 26th Mindanao Business Conference, watch from 5:05 – 5:22
Ang “MI” ay tumutukoy sa Moro Islamic Liberation Front. Si Misuari ang nagtatag at lider ng Moro National Liberation Front.
Ang huli ay nakipaglaban, samantalang una ay naglunsad armadong himagsikan laban sa gobyerno ng Pilipinas para sa karapatan na makapagpasiya ng sarili ang mga Moro sa Mindanao.
FACT
Taliwas sa pahayag ni Duterte, ang “mga pag-uusap” sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF at MNLF ay parehong tapos na.
Nagmana si Duterte ng apat na kasunduang pangkapayapaan na pinirmahan ng mga dating administrasyon:
- Ang 1976 Tripoli Agreement, pinirmahan sa pagitan ng administrasyong Marcos at MNLF na nagbigay daan sa pagtatag ng rehiyon na may awtonomiya sa Mindanao.
- Ang Final Peace Agreement noong 1996 sa pagitan ng administrasyong Ramos at MNLF na ginawa para maipatupad ang buong Tripoli Agreement at itatag ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
- Ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) pinirmahan sa pagitan ng administrasyong Aquino at ng MILF noong 2012 kung saan ang parehong partido ay nagkasundo na palitan ang ARMM ng bagong pulitikal na yunit na tatawaging Bangsamoro.
- Ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), ang panghuling pulitikal na kasunduan sa pagitan ng gobyerno at MILF na pinirmahan noong 2014. Sa CAB, pumayag ang MILF na tanggalin ang kanyang mga mandirigma habang ang gobyerno ng Pilipinas ay pumayag na itatag ang Bangsamoro, isang yunit na mas may kalayaan kaysa ARMM sa pamamagitang ng makatutulong na batas na tatawaging Bangsamoro Basic Law (BBL).
BACKSTORY
Sinundan ng mga problema sa pagpapatupad ang mga kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno sa parehong MNLF at MILF, lalo na kaugnay ng pagbibigay ng awtonomiya sa mga Moro sa Mindanao.
Ang ARMM, na nagsimula ang kasaysayan mula, bukod sa iba pa, sa 1976 na Tripoli Agreement, ay tadtad ng mga hamon sa pag-unlad, at nananatiling pinakamahihirap na rehiyon sa bansa.
Tinawag ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang ARMM na “isang bigong eksperimento,” na lulutasin umano ng mga kasunduang pang kapayapaan na nilagdaan ng kanyang administrasyon kasama ang MILF sa pamamagitan ng FAB noong 2012 at ng CAB noong 2014.
Gayunpaman, ang BBL, isang mahalagang piraso ng panukalang batas na magpapatupad ng kasunduang pang kapayapaan, ay hindi pumasa sa Kongreso sa termino ni Aquino.
Para sa kanyang bahagi, si Duterte ay hindi malinaw tungkol sa mga kinabukasan ng BBL sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, matapos magpahayag ng iba’t ibang polisya tungkol sa bagay na ito. (Tingnan: Is that so? Duterte unclear on BBL).
Bago mahirang na presidente, sinabi ni Duterte, sa pagbisita sa Camp Darapanan ng MILF noong Feb. 2016, na itutulak niya ang pagpasa ng BBL at gagawin ang iminumungkahing rehiyong Bangsamoro na modelo para sa mas malawak na planong pagpapalit ng sistema ng pamahalaan ng bansa sa pederalismo.
Sa kanyang mga unang buwan sa opisina, at bago ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na isusulong niya ang paglipat sa pederalismo na isasama ang mga probisyon ng ipinanukalang BBL. Kung ang estratehiya na ito ay hindi tatanggapin, kikilos siya para maipasa ang BBL, sinabi niya.
Gayunpaman, sa kanyang unang SONA, hinimok ni Duterte ang Kongreso na ipasa ang BBL ngunit pinatatanggal ang mga kontrobersyal at umano’y labag sa konstitusyon na mga probisyon, at isama si Misuari sa proseso. (Tingnan: Is that so? Duterte unclear on BBL)
Noong Nobyembre 2016, muling binuo ni Duterte ang isang bagong transition council, na inatasang magsumite ng bagong panukalang BBL. Inaprubahan ng konseho ang panukala nito sa Malacanang noong Hulyo 18, halos isang linggo bago ang ikalawang SONA ni Duterte, kung saan hindi niya binanggit ang BBL. (Tingnan: Duterte targets CPP-NPA-NDF in his 2nd SONA).
Ang BBL ay hindi kabilang sa 28 panukalang batas na kasama sa listahan ng mga inaprubahan na pinagsamang legislative agenda para sa ika-17 Kongreso ng Legislative-Executive Development Advisory Council, ng Agosto 29.
Sources:
National Anti-Poverty Commission
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro
Framework Agreement on the Bangsamoro
Annex on Transitional Arrangements and Modalities
Third Party Monitoring Team Fourth Public Report, March 2016 – June 2017