Nalilito at nag-iisip sa kung ano ang gagawin kapag natapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022, nagpasya na sa wakas si Pangulong Rodrigo Duterte na maghain ng kanyang kandidatura para sa Senado, ang chamber na ilang buwan na niyang binabatikos. Dalawang iba pang mga posibilidad ang matagal na niyang pinagpipilian — pagreretiro o pagka-bise presidente.
Panoorin ang video na ito:
Chairman si Duterte ng naghaharing partido na nagkakagulo, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Noong Set. 23, nakipag-alyansa ang partido sa Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) para sa 2022 elections.
Ang orihinal na nais ng naghaharing pro-Duterte faction ng PDP-Laban ay tumakbo ang pangulo bilang vice-presidential (VP) running mate ng kanyang matagal na aide na naging senador na si Christopher “Bong” Go. Sa katunayan, tinanggap ni Duterte ang nominasyon noong Set. 22, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, presidente ng pro-Duterte faction ng partido.
Ang isa pang paksyon ay pinamumunuan ni Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao, na tumatakbo rin bilang pangulo sa 2022 sa ilalim ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives o Probinsya Muna Development Initiative (Promdi), at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel Jr.
Sa kabila ng pag-anunsyo ni Duterte ng kanyang pagreretiro noong Okt. 2, inihayag ni Cusi noong Okt. 27 na hinihimok ng kanyang paksyon ang pangulo na isaalang-alang na lang ang pagtakbo bilang senador. Parehong sina Duterte at Go, na mga nangungunang opisyal sa PDP-Laban, ay tumatakbo sa ilalim ng magkaibang partido, ang PDDS, para senador at presidente, ayon sa pagkakasunod.
Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng sorpresang substitution si Duterte. Nagbago siya ng posisyon sa kanyang kandidatura noong 2016 presidential elections, sa simula ay tinanggihan niya ang mga panawagan para sa kanya na tumakbo bilang pangulo at sa huli ay pinalitan niya si Martin Dino, isang dating barangay chairman na naging placeholder ng PDP-Laban para mayor ng Davao City noon.
Nag-alok o nagbanta si Duterte na magbitiw bilang pangulo ng hindi bababa sa 22 beses, mula sa huling bilang noong Hulyo 2019, para sa iba’t ibang dahilan, kabilang ang pagiging pagod at bilang reaksyon sa mga akusasyon ng katiwalian at kawalan ng kakayahan. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Duterte’s thoughts of resignation)
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
News5, Representative ni PRRD na nagsumite ng COC para sa subsitution sa pagka-Senador, dumating na sa Comelec, Nov. 15, 2021
Presidential Communications Operations Office official Facebook page, PRRD’s Attendance to the Filing of Certificate of Candidacy of Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go (Speech), Oct. 2, 2021
CNN Philippines reporter Melissa Lopez official Twitter account, LOOK: President Rodrigo Duterte’s COC as senatorial bet of PDDS , Nov. 15, 2021
Business World reporter, Samuel Medenilla, Comelec releases a copy of the COC of pres. Rodrigo Duterte. , Nov. 15, 2021
Rappler.com, official Twitter account, LOOK: Lawyer Mel Arana shows the certificate of candidacy (COC) of President Rodrigo Duterte,, Nov. 15, 2021
Presidential Communications Operations Office, On PRRD’s latest announcement, Oct. 2, 2021
Social Weather Stations, Second Quarter 2021 Social Weather Survey: 60% of adult Filipinos say it violates the intention of the Constitution if President Duterte runs as Vice-President in 2022; only 39% say he should run, Sept. 27, 2021
People’s Television 4, #PTVBalitaNgayon | Nov. 13, 2021 / 4:40 p.m. update, Nov. 13, 2021
Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan, PDP-Laban at PDDS na partidong pinamumunuan ni PACC Chief Greco Belgica… nag-alyansa na para sa 2022 election., Sept. 24, 2021
Inquirer.net, Duterte officially accepts PDP-Laban nomination to run for VP in 2022 polls, Sept. 23, 2021
CNN Philippines, Duterte signs CONA as VP bet, party mates still counting on Go, Sept. 23, 2021
ABS-CBN News, Duterte formally accepts PDP-Laban wing’s VP nomination, Sept. 23, 2021
Interaksyon.com, Sara Duterte files candidacy for VP —Comelec, Nov. 13, 2021
Philippine News Agency, Sara Duterte to run as VP in May 2022 polls, Nov. 13, 2021
Rappler.com, Sara Duterte to run for vice president under Lakas-CMD, Nov. 13, 2021
Presidential Communications Operations Office official Facebook page, PRRD’s Visit at the COMELEC Head Office City of Manila, Nov. 13, 2021
Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), DU30 may run for Senate, act as campaign manager for BaGo tandem, Oct. 27, 2021
ABS-CBN News, It’s official: Duterte files COC for president, Nov. 27, 2015
Rappler.com, Duterte files COC for president Martin Dino, Nov. 27, 2015
Philstar.com, It’s official: Duterte files COC for president But can he run?, Nov. 27, 2015
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)