Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte nag-aalangan kung tatanggihan o tatanggapin ang pagbibitiw ni Duque

Tila hindi makapagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang gagawin kay Health Secretary Francisco Duque sa gitna ng mga panawagan na magbitiw ang kalihim dahil sa napag-alamang kakulangan sa dokumentasyon ng Department of Health (DOH) tungkol sa higit P67 bilyong pondo para sa COVID-19.

By VERA Files

Sep 3, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Tila hindi makapagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang gagawin kay Health Secretary Francisco Duque sa gitna ng mga panawagan na magbitiw ang kalihim dahil sa napag-alamang kakulangan sa dokumentasyon ng Department of Health (DOH) tungkol sa higit P67 bilyong pondo para sa COVID-19.

Panoorin ang video na ito:

Ang mga pinakabagong panawagan para sa pagbibitiw ni Duque ay naganap matapos tukuyin ng Commission on Audit (COA) ang kabiguan ng DOH na magbigay ng tamang mga dokumento para sa P67.323 bilyong pondo na ginugol para sa pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19 noong 2020.

Sa consolidated annual audit report tungkol sa DOH para sa 2020, sinabi ng COA na ang kakulangan ng dokumentasyon ng COVID-19 funds ay humantong sa “nasayang na mga pagkakataon” at nagdagdag sa mga hamon na kinaharap ng kagawaran. Sinabi din ng komisyon na ang mga ito ay “nagresulta sa pagdududa sa pagiging maayos ng mga kaugnay na transaksyon.”

Ang iba pang mga obserbasyon sa audit ng COA ay nagpakita ng maling mga pahayag sa P70 bilyong mga asset account, P994 milyon para sa liabilities, at P70 bilyon para sa net assets/equity ng DOH.

Gayunpaman, nilinaw ng COA sa isang pahayag noong Agosto 16 na ang audit report nito sa DOH ay hindi nagsasabing ang mga kinuwestiyong pondo ay nawala dahil sa katiwalian. Sinabi ng komisyon na ang departamento ay “maaari pa ring magsumite” ng wastong mga dokumento “sa pagsunod sa rekomendasyon ng auditor” at “napakaaga pa upang gumawa ng mga konklusyon.”

Sa isang pagdinig noong Agosto 27 ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Duque na magbibitiw siya sa tungkulin “kung dumating ang oras” kapag nalutas ng DOH ang mga kakulangan sa budget na tinukoy ng COA.

We want to clear everything. So if the time comes when I will need to resign, I will. It’s no problem with me. What is important is we clear all of these findings of purported deficiencies and we will address them squarely.

(Gusto naming liwanagin ang lahat. Kaya’t kung dumating ang oras na kakailanganin akong magbitiw sa pwesto, gagawin ko. Wala itong problema sa akin. Ang mahalaga ay lilinawin namin ang lahat ng mga natuklasang kakulangan at sasagutin namin ito nang maayos.)

Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (August 27, 2021), Agosto 27, 2021

Sa isang pahayag noong Agosto 24, pinanindigan ng DOH na ang P67-bilyong pondo para sa COVID-19 ay “accounted for,” at ang mga tanggapan at operating units nito ay “nagtatrabaho ng double time” upang tugunan ang mga sinasabi sa COA audit sa loob ng 60 araw pagkatapos ng paglalathala ng ulat. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Can Duterte stop publication of COA reports?)

Ang mga batikos laban sa pagtugon ng health chief sa krisis ng pampublikong kalusugan ay na hindi bago.

Sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic, 14 na senador, kasama si Senate President Vicente Sotto III, ay nagsampa ng Senate Resolution No. 362 noong Abril 2020, na nananawagan ng “agarang pagbibitiw” ng health secretary dahil sa “hindi maayos” at “hurling” tug ng gobyerno, bukod sa iba pa. Nakabinbin pa rin ang resolusyon.

Pagkalipas ng anim na buwan, inirekomenda ng Senate Committee of the Whole ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at inulit ang panawagan para sa pagpapalit kay Duque sa final report nito sa legislative inquiry sa kabiguan ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) na mabayaran nang maayos ang mga claim sa seguro ng mga ospital, bukod sa iba pang mga isyu.

Sa kabila ng nais ng mga senador, sinabi ni Duterte sa isang pampublikong pahayag noong Setyembre 2020 na hindi niya hahayaang magbitiw si Duque. Sa kanyang mensahe sa health secretary, sinabi ni Duterte: “Secretary Duque, hindi ito ang panahon para ikaw ay magbitiw … Nakarinig ako ng mga kwento na ikaw ay magbibitiw. Buo ang tiwala ako sa iyo.”

 

Mga Pinagmulan

Commission on Audit, COA clarification on audit findings of DOH COVID-19 funds, Aug. 16, 2021

RTVMalacanang, President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People 8/16/2021, Aug. 16, 2021

RTVMalacanang, President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People, Aug. 24, 2021

RTVMalacanang, Talk to the People, Aug. 21, 2021 (transcript)

Commission on Audit, COA audit on DOH for 2020 (Executive Summary), Aug. 11, 2021

Commission on Audit, COA audit on DOH for 2020 (Observations and Recommendations), Aug. 11, 2021

Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (August 27, 2021), Aug. 27, 2021

Department of Health, SOH, DOH FINANCE CHIEF LEAD OPERATING UNITS TO COMPLY WITH COA RECOMMENDATIONS; FAST TRACKS SRA ISSUANCE | Department of Health website, Aug. 24, 2021

Senate of the Philippines, Senate Resolution No. 362 (18th Congress), April 2020

Senate of the Philippines, Committee Report No. 107 , Sept. 1, 2020

Presidential Communications Operations Office, President Duterte: It’s not time for Duque to resign, Sept. 8, 2020

Senate of the Philippines, Press Release – Transcript of DZBB Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Aug. 29, 2021

ABS-CBN News, DBM-procured overpriced PPEs being sold to local govts, Aug. 26, 2021

Inquirer.net, Lao surfaces to deny overprice, but Lacson blasts his ‘hubris’, Aug. 21, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.